Advertisers

Advertisers

Metro mayors aprub sa optional nalang ang face shield

0 302

Advertisers

NAPAGKASUNDUAN ng mga Metro Mayors na gawing optional at hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, nais nila na manatiling mandatory ang pagsusuot ng face shield sa loob ng mga pagamutan, health center at public transportation.

“Napag-usapan namin sa face shield. Number 1, ito ‘yung isasagot ko sa IATF na tanggalin na po ang face shields, hindi na gawing mandatory except for critical places,” ani Abalos.



Samantala, kahapon ay sinimulan na ni Manila Mayor Isko Moreno na ipatupad ang kautusan na hindi na mandatory sa lungsod ng Maynila ang pagsusuot ng face shield, maliban na lang sa mga ospital at medical facilities.

Ito ay kasunod na rin ng pagbaba sa alert level 2 status sa Metro Manila. (Jonah Mallari)