Advertisers

Advertisers

Tuloy na talaga sa Kapuso… Lloydie nagte-taping na ng sitcom kapareha si Andrea

0 660

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MAITUTURING na ngang Kapuso actor ngayon si John Lloyd Cruz matapos itong pumirma ng kontrata sa Network.

Natuldukan na rin ang tsikang malabo na ang pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd. May tsika rin na sekretong nagte-taping na si John Lloyd ng isang sitcom sa Kapuso Network at may working title na ‘Happy Together’ na ang leading lady niya ay si Andrea Torres na kasalukuyan ay nasa Argentina, nagsho-shooting ng isang bagong international movie.



Ang direktor ng naturang sitcom ay si direk Bobot Mortiz.

Kaya nga noong contract signing ni John Lloyd sa GMA-7, bukod sa big bosses ng CAM o Crown Artist Management nina Maja Salvador at boypren nitong si Ram Nunez, andun din si direk Bobot at isa sa naging tulay o unang nakipag-usap kay John Lloyd na maging Kapuso kasama pa noon si Willie Revillame na naganap ang pag-uusap ng tatlo sa isang isla na pag-aari ni Kuya Wil.

“Napakalaking bagay na nakahanap kami ng tahanan sa GMA,” sabi ni John Lloyd sa pagpirma ng kontrata sa GMA7.

Tulad ng inaasahan, dumagsa ang Kapuso actors na bumati kay John Lloyd sa pagiging Kapuso. Ilan sa nagpadala sa kanya ng video messages ng pagbati at pag-welcome ay sina Gabbi Garcia, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, Dingdong Dantes, Marian Rivera, AiAi delas Alas, Pokwang, Andrea Torres, at Bea Alonzo.

***



UNANG mapangahas na role na ginampanan ni Rhen Escano ay ang pelikulang halos sabay na silang ilaunch ni Cindy Miranda into stardom, ang movie na “Adan”  na isang Girl Love story. At ang mga sumunod na pelikula na ginawa ni Rhen ay pawang mga sexy movie ay opposite sex ang kanyang katambal. Ngayon ay may bagong project na ginagawa si Rhen, hindi ito pelikula pero isang GL series, pantapat sa uso ngayong mga BL series. And take note, ang ka-loveteam ni Rhen ay isang real life lesbian, si Rita Martinez, at pinamagatan ang serye ng dalawa na ‘Lulu’. Sa direksyon ito ni Direk Sigrid Andrea Bernardo.

Okey lang kaya kay Rhen na ang makatatambal niya ngayon ay isang tunay na tomboy?

“No, hindi po hindi naman dapat mag-matter o maging isyu ’yon. And for sure dito din po, mapi-feel ng mga tao pa’no namin ma-express ’yong love namin ni Rita. Kung pa’no ma-in love si Sophie at si Abby and ’yon, walang issue. Kailangan din po namin mas mapakita sa mga viewers na wala yan sa babae sa lalaki, sa lalaki sa lalaki, sa babae sa babae, ang love pag naramdaman mo ’yon, love ’yon, e.

“Walang masama do’n. Wala siyang pinipiling gender. As long as wala kang nasasaktan, as long as wala kang nasisirang tao, wala kang tinatapakan, pag in love ka, go for it. Parang ganu’n po siya para sa akin.

“Kaya thankful po ako nabigyan ako ng ganitong opportunity. Para sa akin, kakaiba siya sa lahat sa magiging loveteams out there,” say ni Rhen.