Advertisers

Advertisers

Si Iskong basurero pwedeng Iskong Pangulo!

0 349

Advertisers

ANO ang sagot ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para matapos na ang mahigit na 50-taong problema sa insurgency?

Kung may trabaho, may hanapbuhay at kinikita ang isang ama at ina para matustusan ang pagkain, edukasyon ng mga anak at may maaasahang tulong sa gamot at ospital mula sa gobyerno, mahirap makumbinsi ang mga tao na magrebelde.

Parehas na hustisya at mabilis na pagdakip at parusa sa mga kriminal, ‘yon ang sagot sa katiwalian at kriminalidad, ito ang laging ipinapaliwanag ni Yorme Isko.



Buhay at kabuhayan ang dala niyang programa sa halalang 2022, at nasasaksihan ito sa maraming “Listening Tour” ni Isko sa mga bayan at siyudad na binisita ng tropang Aksyon Demokratiko.

Sa Cebu City at Metro Manila, parang dagat ng mga taong naka-asul ang libo-libong nagwagayway ng plakard at tarpaulin nina Yorme Isko at katiket na bise presidente, Doc Willie Ong sa nangyaring “The 2nd Blue Wave Caravan” kamakailan.

Unang matagumpay na “Blue Wave Caravan” ay ginawa noong Okt. 24 na itinapat sa magkasabay na kaarawan nina Doc Willie (58) at Yorme Isko (47), kasunod ang dasal at basbas sa kanila ng mga obispo at lider ng mga samahang relihiyoso na sinundan ng panunumpa ng katapatan at suporta ng tropang Ikaw and Ako Isko Tayo Youth at sektor ng Maralitang taga-Taguig at Pasig, Youth Movement for Isko, at gaming group Rumble Royale na ibinahagi ang planong mag-organisa ng online gaming tournament upang makaakit ng tagasuporta sa kandidatura ng Aksyong Demokratiko.

Sinusulat natin ito, marami pang politiko at lider sa mga lalawigan ang sumasama sa “Bilis-Kilos” na programa ng Aksyon Demokratiko, tulad nina Maguindanao Board Member Araphat Lagasan; Solana, Cagayan, Councilor Atty. Domingo Lagundi, Jr. at Tuguegarao City, Cagayan, Councilor Jude Bayona.

Naniniwala sila, si Yorme Isko ang magdadala ng pagbabago, lantad, mahusay at tapat na epektibong serbisyo sa mamamayang Pilipino sa 2022.



***

Tripleng ingat po tayo, payo ni Doc Willie Ong na katiket na bise-presidente ni Yorme Isko, kasi posible pero sana hindi mangyari, tumaas ang bilang ng tatamaan ng COVID-19 sa Disyembre at Enero 2022.

Kasi, sa ulat ng WHO, sa Europe, tumaas ng 50 porsiyento ang COVID-19 cases at ang death rate ay tumaas ng 10 %.

May 4th wave sa Germany, pati rin sa France at Africa at sa susunod na buwan, delikado ang Amerika, sabi ng WHO.

Sa mga kausap ni Doc Willie sa Cabuyao City, sinabi niya sa mga opisyal ng barangay at estudyante na kahit pinaluluwag na ang health restrictions dahil sa pagbaba ng virus inspection, hindi kailangang maging kampante kahit ang mga bakunado na.

Kahit nabakunahan na, pwede pang mahawa ng COVID-19 na hindi na peligroso, kasi may panlaban na sa virus, pero ang mga hindi pa nabakunahan, iyon ang delikado.

Kailangan na pabilisin ang pagbabakuna, kasi, obserbasyon ni Doc Willie, nasa 17 percent lang ang nakitang pandemic response ng gobyerno.

Ang problema sa pandemic response ay “one third (ng populasyon) hindi pa vaccinated.”

Ikinatatakot pa ni Ong ay kalat na sa North Carolina, USA ang bagong variant ng COVID-19 – ang Delta Plus at sana hindi ito kumalat sa Pilipinas.

Kapag tumaas uli ang COVID cases, problema naman ay kulang ang health workers na marami ay nasa abroad na, kasi doble o higit sa triple ang sahod doon.

Mabuti na lang, mabilis kumilos si Yorme na kesa bumili ng face shields, inuuna ay gamot tulad ng Remdisivir, Tocilizumab at Molnupiravir, kasi nga, para sa Aksyon Demokratiko, mas una ang Tao, mas una ang Buhay, at ano ang pangontra sa COVID, e di gamot.

Tama raw na mas malaki ang tsansa niya na maging senador, pero mas pinili niya ang maging bise-presidente, kasi, “gusto kong i-offer ang sarili ko” para maseguro ang maayos na serbisyo sa ospital, gamot at kalusugan ng pamilyang Pilipino.

Kung matalo, okay lang, sabi niya at gagawin niya ang lahat upang maipanalo si Yorme, at bakit?

Ang layunin niya, gawin ang lahat na matulungan si Isko na maging pangulo.

Tapat siya sa salita at paniniwala, sabi ni Doc Willie na si Yorme Isko ang pinakamagaling na kandidato.

“I can assure you, ang mga kabataan andito, siya ang pinakamagaling na kandidato, I can assure you that,” sabi ng magaling na cardiologist.

Tama naman si Doc Willie Ong, masisigurado na magiging mabuti at magaling na pangulo si Yorme Isko sa Mayo 2022!

***

Minsan nga, mas masuwerte na ipinanganak na mahirap – kung ang tao ay magiging masikap, matiyaga at di sumusuko sa kahit ano’ng laban ng buhay.

Imaginin, nanay labandera, tatay kargador, anak basurero.

Pero nangarap at inambisyon ay mataas na pangarap, at maraming ulit na nadapa, bumangon, maraming ulit na nasugatan, tiniis ang kirot at ginawang medalya ng tapang ang kabiguan, at ang tiwala sa awa ng Diyos, naging matagumpay.

Pero ang tagumpay niya, hindi nais solohin: nais niyang ibahagi sa tao, nais niyang turuan ang maraming tulad niyang mahirap na mangarap at piliting maabot ang pangarap.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa; basta manalig lang, ‘wag lang bibitaw, ‘wag lang susuko!

Si Iskong Basurero ay pwedeng maging Iskong Pangulo.

‘Yan ang buod ng pelikulang “Yorme: The Isko Domagoso Story” na malapit nang mapanood sa Disyembre 1, ating abangan, mga ka-Isko.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.