Advertisers
INIHAYAG ni Senator Bong Go sa harap ng grupo ng mga negosyante ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagsustine sa pagrekoober ng ekonomiya ng bansa.
Sa Presidentiables Forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kasabay ng 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ni Go na kinakailangang matukoy ang sampung milyong pinakamahihirap sa hanay ng mahihirap para mabigyan sila ng pampinansiyang ayuda at hanapbuhay.
Kapag natukoy, nais ni Go na tulungan ang bawat pamilya na magkarooon ng isang anak na napagtapos sa pag-aaral.
“We have to identify the ten million poorest of the poor Filipinos and provide them with financial assistance and jobs. We will strive to ensure that they will have at least one graduate per family,” ani Go.
Sinabi ni Go na kapag siya ay nahalal, kanyang ipagpapatuloy at pag-iibayuhin ang mga naging accomplishments ng Duterte administration.
“We must invest in human capital development, including health and education systems,” sabi ni Go
“The Duterte administration ensured greater access to quality education and training. RA 10931, also known as the “Universal Access to Quality Tertiary Education Act,” signed by President Duterte, successfully provides underprivileged Filipino students the opportunity to pursue college degrees through free tuition and exemption from other fees in state colleges and universities. Isa ito sa mga legacies ng Duterte administration na kailangan nating ipagpatuloy,” ayon sa kandidato sa pagkapangulo.
Sa ngayon, sinabi ni Go na may tinatayang 1.6 million mahihirap na Filipino students ang nakapag-aaral nang walang binabayaran sa tuition at miscellaneous fees dahil na rin sa Free Higher Education program ni Pangulong Duterte.
“Sa lahat ng ito, sisiguraduhin nating walang maiiwan sa ating muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa,” paniniyak ng mambabatas.