Advertisers

Advertisers

Self defense? Parak binoga ang bagets dahil sa facemask

0 562

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ngayon ang dalawang magkaibang testimonya tungkol sa pamamaril ng isang parak sa 19-anyos na lalaki sa Pampanga kaugnay ng pagsita sa ‘di pagsusuot ng face mask.

Ayon sa testimonya ng pamilya ng biktima na si Abelardo Vasquez, 19, nasa gitna sila ng kasiyahan noong Sabado nang lapitan sila ng pulis na si Corporal Alvin Pastorin para sitahin sa ‘di pagsusuot ng face mask.

“‘Yung tito ko po nun, kinausap niya, ‘Ano pong problema sir?’ Tapos ‘yun, nakipag-ayos na po. Okay na. Nagkahiwalay-hiwalay na po kami. Tapos nung pagtalikod po namin, nakakatatlong hakbang palang kami, biglang may pumutok na baril,” saad sa kwento ng pinsan ng biktima.



Ngunit iba naman ang kwento ni Pastorin. Sinabi niya na pagkasita niya sa grupo nila Vasquez, kinuyog siya kaya’t nagpaputok ng baril bilang self-defense.

Patay sa tatlong tama ng baril sa katawan si Vasquez.

Nagsampa ng kasong homicide ang pamilya ng biktima laban kay Pastorin.

Sa kabilang dako, nagsampa rin ng kaso ang parak laban sa pamilya ng biktima gaya ng attempted homicide, direct assault at malicious mischief.

Dahil sa magkaibang kwento ng dalawang panig, nangako ang Pampanga Police na iimbestigahan nila ito ng mabuti.



Tiniyak ni PNP Chief, General Dionardo Carlos, na makakamit ang hustisya ng naayon sa due process sa pagkamatay ng binata.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bacolor Municipal Police Station si Pastorin.