Advertisers

Advertisers

Mister patay, misis grabe sa ambush sa Caloocan

0 300

Advertisers

PINAGBABARIL ang mag-asawa na ikinasawi ng mister at sugatan ang misis nito sa 5th Avenue, Grace Park Caloocan City.

Kinilala ang nasawi na si Penencio Daccuro, habang kritikal ang misis nitong si Jenelyn, mga residente ng Dalandan, Valenzuela.

Sa ulat, lulan ng sasakyan ang mag-asawa nang paulanan ng bala ng baril ng riding-tandem.



Nabatid na galing ang mag-asawa sa Divisoria at habang tinatahak ang Rizal Ave. ,5th Ave., kumanan ang mga ito para mag-u-turn nalang sa tapat ng La Loma pero bago makarating ng C3, dinikitan sila ng riding in tandem at pinagbabaril.

Nasapul si Penencio sa kanang leeg na tumagos at nasapul ang asawa nito.

Patuloy pa ang imbistigasyon ng Caloocan Police sa pamamaril. (Beth Samson)