Advertisers

Advertisers

Pagsita kay QC Mayor Belmonte umani ng negative rections: “Papansin”

0 378

Advertisers

INULAN ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizen ang pagsita kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nang hindi ito magsuot ng helmet sa isang bike event nitong Huwebes.

Ito ay ayon sa press statement tungkol sa insidente na ipinost sa Facebook page ng Quezon City government.

Sinabi dito na si Belmonte ay isa sa bikers na nahuli at nagmulta ng P300 dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa naganap na Cycle to End Violence Against Women bike event dahil sa paglabag sa Ordinance 2942-2021.



Paliwanag ni Belmonte, walang helmet ang isa sa mga kalahok kaya nagpasya siyang ibigay dito ang kanyang protective gear. Pinuri pa ng alkalde ang Department of Public Order and Safety (DPOS) sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa.

Sinabi ng netizen na si Lawrence Celestino na magandang malaman na ang DPOS ay hindi takot ipatupad ang ordinansa.

“It is good to know that the DPOS is not afraid to enforce the rules! Kudos to the DPOS and kudos to the Mayor for acknowledging the rule of law!”

Ngunit, nag-reply si Pj Andaya sa comment ni Celestino at sinabing: “It’s obviously a setup.”

Sinabi naman ni Joel Nat na scripted ang insidente.



“Direk direk direk okey ba ang actingan hahaha,” comment ni Joel Nat.

Ayon naman kay Ernesto Buhay: “Sa’n ka makakakita niyan? Ikaw gumawa ng batas, tapos ikaw ‘di tumupad. Akala mo napaganda ‘yan? Napasama ka pa diyan. Halatadong halatado ka Joy Belmonte.”

Ilang netizens pa ang nagsabi na gusto lang ni Belmonte na mapansin ng publiko.