Advertisers

Advertisers

Kahero nilustay ang kita ng karinderya sa e-sabong, kulong

0 114

Advertisers

DAHIL sa pagkalulong sa online sabong nalustay ng isang kahero ang kita ng karendirya at nahaharap ito ngayon sa kasong qualified thief sa Pasay City.

Kinilala ang ipinakulong na si Pan Jian Hong, 34 anyos, cashier sa Jasonguy eatery sa San Juan st., Barangay 8, Zone 2, Pasay City.

Ayon sa ulat, nabisto ang cashier dahil sa sorpresang pag-imbentaryo at pag-audit ng kaniyang amo na si James Ariel Cuevas Lim, 28, dahil madalas umanong kulang ang kinikita ng karinderya.

Napag-alaman ng may-ari na naipatalo ni Hong sa online sabong ang nasa P200,000 kita ng kanilang negosyo.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang cashier.

Ang online sabong ay ugat na ng maraming krimen. Hinihiling ito sa Kongreso na limitahan ang operasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More