Advertisers

Advertisers

OFW tinulak ng Pakistani sa rooftop sa Dubai

0 177

Advertisers

KORONADAL CITY – Nakauwi na sa kanilang tahanan dito sa lungsod ang bangkay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na tinulak ng isang Pakistani national na kasamahan nito sa trabaho at nahulog mula sa rooftop ng 4th floor ng gusali ng tinutuluyan nito sa Dubai.

Kinilala ang OFW na si Roy Demingoy, ng Purok Bagong Silang, Barangay Sta. Cruz dito sa lungsod.

Ayon kay Lloyd Demingoy, kapatid ng biktima, Oktubre 4 nang makita ang bangkay ng kapatid nito na nahulog mula sa rooftop.

Lumabas sa imbestigasyon na itinulak ito ng isang Pakistani na hindi pinangalanan mula sa rooftop sa hindi malamang dahilan.

Inako ng Pakistani ang ginawang pagtulak sa OFW at ngayon ay naka-detain ito sa Police station sa Dubai.

Napag-alaman na Set. 2016 nang pumunta sa Dubai si Roy bilang cleaner at nitong taon 2021 ay nalipat ito sa ibang kumpanya at na-promote bilang assistant chef.

Sumisigaw ng hustisya ang pamilya Demingoy at hiling ang tulong ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More