Advertisers

Advertisers

P54-M ‘TSAABU’ HULI SA 2 TULAK SA TAGUIG

0 135

Advertisers

MAHIGIT P54.5 milyong halaga ng shabu na isinilid sa mga tea bag, na tinawag na “tsaabu” ang nasabat sa Maharlika, Taguig City.

Arestado sa operasyon sina Marisa Asi, 34 anyos; at Muslimin Kamid, 32, kapwa taga-Barangay Maharlika.

Nasamsam kina Asi at Kamid ang 5 pakete ng shabu at 8pakete ng “tsaabu.”

Ayon sa ulat, posibleng kasamahan ng mga ito ang nahuling drug suspects sa Zambales dahil pareho ang kanilang packaging.

Samantala, giit ni Asi na bigay lamang ito ng kanyang dating kaibigan. Hindi raw nila alam na droga ang laman ng package.

Depensa naman ni Kamid, napag-utusan lang siya na i-deliver ang package.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang mas malaking source ng droga.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng SPD District Drug Enforcement Unit Office ang mga suspek at sumasailalim sa imbestigasyon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Mark Obleada/Gaynor Bonilla)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More