Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAKU may mga naglalabasang isyu na hiwalay na nga raw sina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Hindi pa nga raw nagma-monthsary ay split na ang dalawa.
Nasasangkot naman kasi si AJ sa pagdalaw umano sa kanya ni Diego Loyzaga sa Pampanga. Na hanggang ngayon ay di naman sumasagot si AJ regarding sa isyung pag-uugnay nito sa dyowa ni Barbie Imperial.
As in tahinik at ayaw naman kasi nitong basagin ang katahimikan hinggil sa isyu between sa kanya at kay Diego na may gf na.
Kaya naisip ng netizens na may tsansa na magkabalikan sina Aljur at Kylie Padilla.
Lalo na’t nagpahayag si Kylie na nami-miss nito ang pakikipaglaro ng kanyang mga anak sa amang si Aljur.
Sign na ba ito na malaki talaga ang porsiyento na magkabalikan sina Kylie at Aljur ngayong wala naman silang commitment sa isa’t isa.
Well, abangan ang susunod na pangyayari sa kudahang ito.
Hmmmp!?
***
KAHIT nga kasal na si Kris Bernal sa business man na si Perry Choi ay inamin nito na hindi pa rin sila magkasama sa iisang bubong.
Buti na nga lang naiintidihan ni Perry ang uri ng work ni Kris at ganun din naman ang aktres sa kanyang mister.
Nag-thank you naman si Kris kay God dahil ibinigay daw sa kanya ang right guy para sa kanya na makakasama niya for life.
Excited na rin si Kris na magsama sila ng mister sa iisang bubong para magampanan daw ang pagiging maybahay nito.
Buti na nga lang daw sa ganun sitwasyon na kasal na sila pero magkahiwalay ang tirahan ay nauunawaan nila ang isa’t isa.
Lalo na nga raw ang work ni Kris as an actress at nakilala naman daw siya ng mister kung anong ganap sa trabaho ng aktres.
Pasasaan nga ba raw ay magsasama rin sila sa iisang bahay para sa pagbuo ng sariling pamilya.
Well, well, well…’Yun na!