Advertisers

Advertisers

Glaiza binuking, nasasarapan kay Xian; Sanya walang bf, ang lola ang ka-X-mas date

0 335

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ALAM naman halos ng lahat na NBSB o No Boypren Since Birth si Sanya Lopez at kung may mga guy na nali-link man sa kanya ngayon ay pawang tsika lang ito.

Tulad ng mga nakaraang Kapaskuhan, mananatili na namang malamig ang Pasko kay Sanya. Hindi naman kaya super choosy siya sa pagkakaroon ng first boypren kaya hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin siyang single?



“E parang ang hirap makahanap ng taong maiintindihan talaga ang trabaho mo dahil wala akong maibibigay na atensiyon sa kanya. Gusto ko yung mabait at mamahalin ka no matter what. Ang pinaka-importante sa’kin sa ngayon, yung matatanggap ang work ko.

“Kasi as of now, sobrang busy ako sa trabaho, lalo na ngayong nasa lock in taping na ako ng “First Lady,” say ni Sanya.

And since wala naman siyang ka-date o kalambingan ngayong parating na Kapaskuhan, ano naman kaya ang balak na gawin ni Sanya sa Pasko?

“Ang tapos ng taping namin is December 22 na, a few days before Christmas kaya wala na akong time mag-Christmas shopping.

“Ang gusto ko, umuwi muna sa probinsiya namin to see my lola and so I can spend Christmas with her. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita kasi naging sobrang busy nga ako kahit may pandemic,” dagdag pang say ni Sanya.



***

MASAYANG binalita ni Glaiza de Castro na matapos ang halos sunud-sunod na heavy drama na seryeng ginawa niya lalo na ang pinakahuli, ang ‘Nagbabagang Luha’ na halos matuyuan ng luha sa mga mata si Glaiza dahil sa mabibigat at madamdaming eksena niya.

Sinabi ng Kapuso actress na, for a change ay hindi na siya iiyak sa bagong seryeng ginagawa niya kasama si Xian Lim, ang “False Positive” na sinimulan na rin  niya ang mag-taping kahit katatapos lang ng serye nila ni Rayver Cruz.

“Hindi na kayo iiyak, hindi na kayo maiinis. Sa ngayon, light lang tayo. Positive lang,” say ni Glaiza.

Kumusta naman kaya ang working relationship nila ng kanyang bagong leading man na si Xian?

“Masarap siyang katrabaho kaya excited ako to work with Xian Lim and very honored ako to be part of the show na he’s doing because he is a new part of the GMA family,” dagdag pang say ni Glaiza.

Ang isa pang labis na kinatuwa ni Glaiza sa bago niyang serye sa Siyete ay good vibes pa rin ang kanyang trabaho pagkabalik niya mula sa ibang bansa kung saan ay nag-bonding sila ng kanyang fiance.