Advertisers

Advertisers

Mayo 9 pa ang last day ng withdrawal sa Comelec… ‘DI NA AKO KANDIDATO, RELAKS LANG KAYO’ — BONG GO

0 268

Advertisers

PINAYUHAN ni Senator Bong Go ang mga kalaban sa pulitika na minamadali siyang pormal nang mag-withdraw sa Comelec matapos ianunsyo ang pag-atras ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2022 elections na magrelaks muna sa pagsasabing tiyak namang hindi na siya kandidato at desidido na siya sa kanyang desisyon.

“Ang nagmamadali lang naman dito ay ang mga kalaban. Huwag na kayo magduda dahil nagpapakatotoo po ako sa tunay na saloobin ko,” ayon kay Go.

Batay sa COMELEC, hanggang Mayo 9 pa sa susunod na taon ay puwedeng pormal na mag-withdraw ang isang umatras na kandidato.



“But, as a matter of principle, do not consider me as a candidate anymore dahil nakapagsalita na ako,” ayon sa senador.

Nakiusap din siya sa kanyang supporters na intindihin ang kanyang naging desisyon at huwag nang ituloy ang mga tarpaulins at iba pang materyales sa pangangampanya.

“Pamasko niyo na lang sa akin na huwag na po kayong pumunta ng COMELEC at magtipun-tipon dyan lalo na’t delikado pa rin ang panahon dahil sa pandemya,” ang hiling ni Go sa kanyang supporters.

Idiniin ni Go na ilang beses na niyang sinabi na hindi na niya itutuloy ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa halalan sa 2022.

“Handa akong magsakripisyo alang-alang sa pagkakaisa ng ating bayan, kapakanan ni Pangulong Duterte, at hangarin ng aking pamilya. Uulitin ko po, higit pa sa tatay ang pagmamahal ko sa kay Pangulong Duterte at ayaw kong maipit sya, lalo na matanda na siya at ayaw ko nang dagdagan pa ang kanyang problema,” pahayag ng senador.



“Habang hindi pa ako formally nagwi-withdraw, kailangang ipaintindi ko nang mabuti at dahan-dahan sa mga supporters ang desisyon na ito. Tulad ng sabi ko, nagre-resist po talaga ang aking puso at isipan sa pagtakbo as president. Kung desidido akong tumuloy, sana hindi ko na idineklara na magwi-withdraw ako. Relax lang po kayo. Sana ay respetuhin niyo na lang ang kahilingan ko,” ayon kay Go.