Advertisers
INIHAYAG ni Senator at Senate Committee on National Defense and Security vice chair Christopher “Bong” Go na ang rule of law at due process ay umiiral at napoprotektahan kasunod ng Supreme Court ruling sa Republic Act No. 11479 o “Anti-Terrorism Act”.
“I welcome the Supreme Court’s decision which substantially upheld the constitutionality of… the Anti-Terror Law. The decision shows that checks and balances are at work in our government system,” ayon kay Go.
“Nililinaw ng Korte Suprema na buhay pa rin ang due process sa ating gobyerno at hindi intensyon ng Kongreso na tanggalin ang mga karapatang pantao, tulad ng pagprotesta o paglahad ng opinyon sa kahit anumang mapayapang paraan,” aniya.
Inalis ng Supreme Court ang dalawang “highly contested portions” ng batas at tinawag na unconstitutional pero diniinan ang iba pang probisyon nito.
Iginiit ni Go na patuloy na tatamasahin ng mga Filipino ang “constitutionally protected freedoms” habang gagawin ng pamahalaan ang sapat na mekanismo para malabanan ang terorismo.
Tiniyak ni Go na ang paglaban sa banta ng terorismo ay patuloy na gagawin nang nasusunod ang batas sa pagsasabing ang lagat ng law-abiding citizens ay walang dapat na ikatakot.
“The decision only shows that, despite what detractors and opposition figures are trying to paint that there is no rule of law in this country, no less than the Supreme Court affirms that anyone is free to exercise his or her legitimate rights without fear of prosecution or persecution,” iginiit ni Go.
“Subalit, ibang usapan naman kung gumagamit ka ng dahas para pabagsakin ang gobyerno. Tulad nga ng sinasabi ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, wala naman kailangang ikatakot kung wala ka namang masamang intensyon na saktan at mangdamay ng kapwa mo tao,” ayon sa senador.