Advertisers

Advertisers

ANTIQUENOS NANALANGIN PARA SA TAGUMPAY NI MAYOR ISKO

0 625

Advertisers

TINAWAG na “Mr. President” si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng mga opisyal ng lalawigan ng Antique nang bumisita ang pangkat ng Aksyon Demokratiko sa kapitolyo ng lalawigan.

Sa pagbisita at paggalang kay Governor Rhodora Cadiao, tinawag siya nito na “Mr. President” at ipinalalangin na manalo sa darating na halalan sa Mayo 2022.

“Welcome to the province of Antique, your hometown,” sabi ng gobernadora kay Yorme Isko na idinugtong, “Mr. President, we are so proud of you.”



Ikinagulat pero masayang tinanggap ni Yorme Isko ang pagbati ni Cadiao na sinabi: “Mag-dilang anghel ka sana, Gov.”

Bilang anak ng Antique, nanawagan si Cadia sa mga kalalawigan na suportahan ang kandidatura ni Isko para manalong susunod na presidente ng Pilipinas.

“Ipinagmamalaki ka namin, at umaasa kami, ikaw na ang susunod … The next president of Western Visayas,” sabi ni Cadiao.

Dugtong ng gobernadora, tunay na dugong Antiquenion si Yorme Isko, “Atin siya at hinihingi niya ang ating suporta at ating ipanalangin ang kanyang tagumpay.”

Sa tanghalian kasama si Cadiao, isang bag na puno ng mga regalo ang ibinigay ni Antonio Agapito Legarda Jr., kapatid ni House Deputy Speaker and Antique Rep. Loren Legarda.



“Galing ito kay Inday Loren. Sabi niya, alagaan kayo dito sa Antique dahil kayo ay kasimanwa (kababayan). We are looking forward to seeing you and now it’s a reality,” sabi ni AA Legarda.

Binisita rin ng tropang Aksyon Demokratiko ang mga negosyante, manininda at karaniwang tao sa palengke ng San Jose, Antique.

Kasama ang katiket na bise presidente, Doc Willie Ong, mga kanidatong senador Samira Gutoc ng Marawi City, Dr. Carl Balita ng Oriental Mindoro at Jopet Sison ng Quezon City, binisita ni Yorme Isko ang San Joaquin, bayang sinilingan ng amang si Joaquin.

Ipinangako ni Yorme Isko na ibibigay nya sa mga kabataan sa Western Visayas ang de kalidad na edukasyong tinatamasa ng kabataang Manilenyo, pati ang maasahang serbisyong medikal, trabaho, pabahay at libreng mga gamit sa paaralan, suplay na gamot laban sa COVID-19.

Upang mapagaan ang buhay ng masa, at maprotektahan ang industriya at pinagkakakitaan ng mga magsasaka, mangingisda at karaniwang trabahador, hihingiin niya sa Kongreso na bawasan ng 50 porsiyento ang buwis sa produktong petrolyo at elektrisidad.