Advertisers

Advertisers

Lungsod ng Calapan, top 1 ‘most competitive city’

0 300

Advertisers

KAMAKAILAN ay kinilala ang Calapan City bilang Top 1 Most Competitive Component City (Resiliency Category – Competitiveness Ranking of Cities and Municipalities awards) ng National Competitiveness Council. Ang pagkilala ay iginawad sa siyudad dahil sa naging pandemic response nito, partikular ang pagprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan nito.

Nangunguna ang lungsod ng Calapan pagdating sa competitiveness index. na nagpapakita na marami ang kompyansa sa mga proyekto, programa, serbisyo at pamamahala ng pamahalaang panglungsod.

Sa resulta ng pagkilala, ang mga lungsod at bayan ay ini-ranggo base sa tatlong pundasyon: economic dynamism, government efficiency, at infrastructure. Para sa maayos na pagbibigay ng grado hinggil sa locality’s competitiveness, lahat ng local government units (LGUs) ay hinati sa apat na kategorya: 3rd – 6th Class Municipalities, 1st-2nd Class Municipalities, Component Cities at Highly Urbanized Cities.



Para sa lungsod na may maliit na populasyon at land area, sa loob lamang ng isang taon tumalon ng ng pagkataas-taas ang Calapan kaya nasungkit nito ang unang puwesto.

Ayon kay Panaligan, ang makikipagtunggali sa mga malalaking syudad katulad ng Naga na may annual na budget na maaaring triple sa Calapan ay isang mahirap na kompetisyon. Dahil dito, napatunayan ng Calapan na kayang makipagsabayan sa mga higanteng lungsod lalo na pagdating sa infrastructure development kung saan naging TOP 1 ‘Component Cities Reseliency’ ang Calapan.



Makikita na ad-bentahe para sa gumagandang ekonomiya ang itinaas ng Calapan at base sa pag-aanalisa ng marami, tiyak na madadagdagan pa ang bilang ng mga investors sa lungsod.

Samantala pinuri naman ni Panaligan ang collaborative efforts ng mga konsernadong departamento na naglagay sa Calapan sa Top 1.



Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang programa na naghihikayat sa mga lokal na pamahalaan na boluntaryong magsumite ng mga datos upang suriin ang kanilang performance na naka-angkla sa global standards.

Sa pamamagitan ng National Competitiveness Council (NCC), higit nitong pinag-iibayo ng magaling ang overall competitiveness ng bansa sa pamamagitan ng collaborative efforts sa pagitan ng nasyunal at lokal na pamahalaan gayondin ng mga public at private sectors.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!