Advertisers
DINISIPLINA ang dalawang pulis sa La Union nang saktan ang isang lalaki na nanipa ng isang senior citizen.
Pinag-utos ni Ilocos Police director Brig. General Emmanuel Peralta na ilagay sa restrictive custody sina SSgt. Benjie Mamuyac at Cpl. Quincy Von Obillo habang iniimbestigahan ang binugbog nilang si Roy Servera, na inaresto ng mga barangay tanod.
Ayon sa report, hinuli si Servera ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team dahil sa reklamo ni Benjamin Cabading, 63 anyos, na sinabing tinulak at pinagsisipa siya ni Servera noong December 24, 12:40 ng hatinggabi.
Dinala si Servera, na sinasabing nakainom, sa presinto kungsaan naka-duty sina Mamuyac at Obillo.
Nangyari ang pananakit ng mga pulis kay Servera nang malaman na isang senior citizen ang napag-tripan nito.
“Much as we want to give justice to the oppressed, we cannot tolerate any unnecessary actions that are unlawful and against PNP operational policies,” lahad ni PNP Chief, General Dionardo Carlos.