Advertisers
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 318 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes, Disyembre 27.
Mas mababa ito ng 115 kaso kumpara sa 433 na naitala nitong Linggo, Disyembre 26.
Batay sa case bulletin #653, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,838,792 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 0.3% na lamang o 9,579 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 3,644 ang mild cases; 3,339 ang moderate cases; 1,777 ang severe cases; 445 ang asymptomatic at 374 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 255 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,778,002 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.
Nasa 11 lamang naman ang naitalang namatay sa karamdaman, kabilang dito ang siyam na namatay nitong Disyembre 2021 at dalawang binawian ng buhay noong Oktubre 2021.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,211 total COVID-19 deaths o 1.80% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)