Advertisers
Patay ang isang lalaki nang saksakin ng ama sa Barangay Lanot, Alimodian, Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Archie Caguilla; habang ang salarin na si Nestor Camitan, 55-anyos.
Ayon kay Police Master Sergeant Michael Alingala, imbestigador ng Alimodian Municipal Police Station, na lasing si Nestor nang umuwi sa kanilang bahay.
Kinumpronta nito ang kanyang anak dahil hindi ito tumutulong sa gawaing-bahay.
Ayon kay Alingala, sinuntok pa ng ama ang anak hanggang sa nagpambuno ang dalawa kung saan nasaksak ni Nestor ang anak gamit ang kitchen knife.
Tinangkang tumakas ni Nestor ngunit sumuko rin kinalaunan at iginiit na self-defense lang ang kanyang ginawa.
Desidido naman ang ina ng biktima na maghain ng kaso laban sa kanyang asawa.