Advertisers
NAGLAAN ng karagdagang P50 million o $1 million USD na relief assistance ang Estados Unidos para sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette.
Pahayag ng US Embassy sa Pilipinas, ang tulong na ito ay bukod pa sa initial relief assistance na nagkakahalaga ng P10 million o $200,000 na inanunsyo noong nakaraang linggo.
Ang karagdagang relief assistance mula sa US Agency for International Development (USAID), katuwang ang World Food Programme, ay gagamitin para sa apat na emergency logistics hubs sa Surigao del Norte para sa storing at distribution ng relief supplies.
Ayon sa embahada, ang WFP ay magpapadala rin ng mga pagkain sa gobyerno ng Pilipinas para ipaabot sa mga biktima ng bagyo at tutulong din sa re-establishing ng mga linya ng telecommunications networks.
Noong nakaraang linggo, nakipag-partner ang USAID sa Action Against Hunger para makapagbigay ng pagkain, maiinom na tubig, hygiene, at iba pang relief supplies sa mga apektadong komunidad sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.