Advertisers
APAT pa ang nadagdag na bagong kaso ng fireworks-related injuries ang iniulat ng sentinel hospitals, ayon sa Department of Health (DOH).
Nitong 6:00 ng umaga ng Disyembre 28, 2021, may kabuuang 23 FWRI na ang iniulat.
Ito ay 92% na mataas kumpara sa 2020 (12 cases) at 64 % na mababa sa limang-taon average (65 cases) sa kaparehong panahon.
Lahat ng kaso ng injuries ay dahil sa paputok. Siyam (39%) na kaso ay nangyari sa Region 6.
Wala namang fireworks injestion, stray bullet o namatay na naiulat.
Karamihan sa fireworks injuries ay lalaki, nasa 83%, at nagkaka-edad mula anim na taon hanggang 34 anyos.
Pito o 30% na kaso ay blast-burn injury na hindi na kailangan ng amputation at anim o 26% kaso ay eye injury.
Isa o 4% naman ang nagtamo ng maraming uri ng injury.
Nasa 15 (65%) ay active users at 11 (48%) kaso ay nangyari sa bahay habang 8 (42%) ay nangyari sa lansangan.
Mayroon namang 11 (48%) kaso ng hand injury, naputulan ng kamay o daliri.
Kabilang sa mga lugar na may iniulat na FWRI ay ang Region 6, 1, BARMM, 2, 7, NCR, 3 at 5. (Jocelyn Domenden)