Advertisers
PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa one-time gratuity pay sa lahat ng “Contract of Service and Job Order workers.
Ito ay bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga ito sa paghahatid ng serbisyo publiko lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic at iba pang crisis situation na hinarap ng bansa sa mga nakalipas na taon.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Go ang lahat ng government workers mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang rank na naglaan ng kanilang buhat sa pagseserbisyo sa sambayanang Pilipino na dahilan kung bakit nararapat ang mga ito na ma-enjoy ang “competitive wages” para makaagapay sa kanilang personal na pangangailangan at ng kanilang pamilya.
“Allow me to thank each and every government worker from the highest posts to the lowest ranks. Our civil servants, individuals who dedicate their lives to the service of the Filipino people, must be given an opportunity to pursue a career in the service which allows them to enjoy competitive wages so they can address their personal needs and that of their families,” sabi ni Go.
Sa ilalim ng Administrative Order no. 46 ni Pangulong Duterte, ang mga COS at JO orders na nakapagsilbi na ng apat na buwan pataas ay makakatanggap ng P5,000 habang ang mga nagserbisyo nang mas mababa sa apat na buwan pero mayroon pa ring matatanggap ang mga ito base sa pro-rata.
Kukunin ang nasabing halaga sa Maintenance and Other Operating Expenses allotments ng mga NGAs at SUCs, corporate operating budgets ng GOCCs at LWDs at local government funds. (Mylene Alfonso)