Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,623 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes, Disyembre 30.
Ang naturang bilang ay halos doble, kumpara sa 889 bagong kaso lamang na naitala sa bansa noong Miyerkules, Disyembre 29.
Batay sa case bulletin #656, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,841,260 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 0.4% o 11,772 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 5,737 ang mild cases; 3,315 ang moderate cases; 1,771 ang severe cases; 577 ang asymptomatic at 372 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 256 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,778,115 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.8% ng total cases.
Nasa 133 naman ang naitalang namatay sa karamdaman.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,373 total COVID-19 deaths o 1.81% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)