Advertisers
INANUNSYO ng dalawang hospitals sa Maynila na pansamantala muna nilang lilimitahan ang pag-admit ng pasyente dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases kasama rito ang kanilang health care workers.
Sa isang advisory ng pamunuan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) , simula nitong Sabado, January 1, 2021, 8:00 ng gabi ay ititigil muna nila ang pagtanggap ng mga pasyente.
“The number of COVID patients is greater than the number of beds. Thus, the hospital must first close so it can send home or transfer other admitted patients to quarantine facilities,” pahayag ng pamunuan ng JJASGH na pinost sa FB page ng Manila Public Information Office.
Kinumpirma naman ng pamunuan ng hospital na karamihan sa kanilang staff ay nagpositibo sa Covid-19 virus.
Sa kabilang dako, ang Gat Andres Bonifacio Medical Center ay inanunsiyo din na hindi muna sila tatanggap na pasyente sa kanilang emergency room dahil sa pagtaas ng Covid-19 infections sa kanilang empleyado.
“All incoming patients shall still be evaluated and transferred to other city hospitals,” pahayag ni GABMC Director Dr. Ted Martin.
Samantala, ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala na ng 14 omicron infections sa bansa. (Jocelyn Domenden)