Advertisers

Advertisers

Pulis rumesponde sa nag-aamok, kapwa patay

0 715

Advertisers

Bauan, Batangas – Nasawi ang isang pulis nang pagsasaksakin ito sa kanyang pagresponde sa nag-aamok na lalaki sa Sabado ng umaga sa Barangay San Teodoro ng bayang ito.

Kinilala ang namatay na pulis na si Corporal Reynan “Maning” Manalo, habang ang salarin ay nakilalang si Jollyben Montoya, 38 anyos, tubong San Andres, Romblon at kasalukuyang residente ng Brgy. San Teodoro.

Sa report ng Bauan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag galing sa mga opisyal ng barangay na meron isang lalaki na nanghahabol ng pananaksak.



Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar, kinausap ni Cpl. Manalo si Montoya na kumalma. Subalit bigla nitong inundayan ng saksak sa likod ang pulis. Nagawa pang bariln ng pulis sa tuhod ang salarin. Pero bumagsak na ang pulis at dito’y muli siyang inundayan ng saksak sa dibdib ni Montoya.

Binaril na ng mga kasamahan ni Cpl. Manalo si Montoya.

Kapwa dinala sa Bauan Doctors Hospital sina Cpl. Manalo at si Montoya. Dead on arrival (DOA) si Montoya 11:10 ng umaga, habang namatay naman ang pulis habang ginagamot.(Koi Laura)