Advertisers
Tukoy na ang pagkakakilanlan ng itinuturong suspek na nagpasabog sa isang unit ng Mindanao Star bus Martes ng umaga sa Aleosan, Cotabato.
Hindi na muna ito papangalanan sa report upang hindi madiskaril ang nagpapatuloy na imbestigasyon.
Sa report, mula Davao City ang nasabing bus at putungo sana ng Cotabato City nang may isang pasahero ang sumakay bitbit ang kahina-hinalang bagahe.
Pagdating ng Pikit, bumaba ito at iniwan ang kanyang dalang bagahe na sumabog sa bahagi ng Brgy. San Mateo, Aleosan.
Samantala, maituturing umanong kaduwagan ang terroristic attack na ginawa ng nasa likod ng pagpapasabog sa isang unit ng Mindanao Star Bus sa bahagi ng National Highway sa Purok. Narra, Upper San Mateo, Aleosan, Cotabato Martes ng umaga.
Ito ang naging pahayag ni Police Regional Office XII Director PBGEN Alexander Tagum na mariing kinondena ang pagpapasabog sa bus na ikinasawi ng limang taong gulang na bata at pagkakasugat ng anim na iba pa kabilang ang 5 buwang sanggol.
Tiniyak naman ni Tagum na sa lalong madaling panahon mahuhuli rin ang mga taong nasa likod ng pagsabog.
Nagpapatuloy parin hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng mga kapulisan para mahuli ang suspek.