Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI na itinago pa ng Kapamilya actress na si Lovi Poe ang labis na kaligayahan sa binigay na pagkilala sa kanyang yumaong amang si Da King Fernando Poe, Jr, nang ipangalan na ang dating Roosevelt Ave bilang Fernando Poe Jr Avenue o FPJ Ave.
Ipinagpapasalamat din ng isa pang anak ni Da King na si Senator Grace Poe ang development na ito sa panukala mula sa kongreso na nailatag last year September 2020.
“No dream is too big. No goal is out of reach. ‘Para sa bawat Pilipino na dadaan sa FPJ Avenue,” ang saad sa caption ni Lovi sa isang larawan na pinost niya kamakailan lang sa sariling social media account.
Samantalang si Sen. Grace Poe naman ay nagpost ng sumusunod na caption sa isang larawan din na pinost sa personal account sa isang socmed platform.
“Para sa bawat Pilipino na dadaan sa FPJ Avenue, umaasa kaming magsisilbi itong pisikal na paalala na walang pangarap ang masyadong malaki at walang layunin na hindi kayang maabot.
Nawa’y magsilbing ehemplo ng katatagan, pagpupunyagi at pag-asa ang buhay ni FPJ sa ating mga kababayan. Nagpapasalamat ako at ang aking pamilya sa batas na ito,” say naman ni Sen. Grace Poe.
Nitong Dec. 10, 2021 ay naging ganap ng batas ang Republic Act No. 11608 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at inilabas naman ng Malacañang nitong January 13. Naglalayong palitan ang pangalan ng Roosevelt Ave at isinunod ito sa pangalan ni Da King Fernando Poe, Jr.
***
GINA PARENO, MILYONARYANG THUNDER SA TIKTOK
Sa pamamagitan ng pag-aaral paano gumawang content sa Tiktok ay magiging isang milyonarya pala si Gina Pareno sa likes and views nito.
As in, patok na patok sa mga tiktokers and netizens ang mga kakulitan ng inyong Lola Thunder Gina o Lola Gets. As of this moment ay may followers at 10.1 million likes sa TikTok si Lola Gets.
“Malaking bagay ‘yung TikTok, nakalilibang, lalo na sa panahon ngayon,” say ni Lola Gets.
Say nga ng isa pang beteranang aktres na si Dexter Doria na ka Disco Fever niya noong kabataan nila ni Gina, as in lagi silang laman ng discohan noon.
“Alam mo si Gina bata pa kami, nagpupunta kami sa disco n’yan, ang galing sumayaw n’yan,” say ni Lola Dexter.
Sa edad niya ngayon, bibihira na tulad na Gina ang nawiwili sa Tiktok, kung aliw ang lola thunder sa pagtiTiktok, eh saan naman parte ng pagti-Tiktok siya medyo nahihirapan, sa paggawa kaya ng content?
“Ang mahirap lang naman ‘yung pagliligpit mo. Pero ‘pag oras na kinukunan ka sa TikTok, masaya, nakaaaliw. Malaking bagay ‘yung TikTok, nakalilibang, lalo na sa panahon ngayon. Tsaka, ‘yon, nakaaarte ka,” dagdag na sabi pa ni Gina.
Dont forget to follow Ms. Gina Pareno at her official Tiktok account, @yourlolagets.