Claudine at Marjorie nagkasundo na; Alex pasalamat kay Piolo na naging tulay para makilala ang mister na si Mikee
Advertisers
Ni BETH GELENA
MAGSASAMA sa isang proyekto sina Angel Locsin at Edu.Manzano.
Ire-remake nila ang Call My Agent.
Ilang bansa na rin ang nag-adapt ng kani-kanilang bersyon hinggil sa CMA tulad ng Indonesia, South Korea, Middle East, Malaysia, Poland at ngayon nga ay ang ‘Pinas.
Si direk Erik Matti umano ang magdidirek ng nasabing project na ang executive producer ay si Dondon Monteverde.
Sinasabing uumpisahan daw na i-shoot ito sa buwan ng Abril o Mayo.
Ang CMA ay isang hit French show.
Sa report ng Variety, ang eight-part series will be streamed on HBO Go as part of its drive “to create original content in Asia-Pacific.”
Opisyal na ring inanunsiyo ni direk Erik sa kanyang Facebook last January 12 ang kanyang bagong ididirek.
Ibinahagi rin niya kung gaano niya kagustong gawin ang nasabing proyekto.
Ani direk Erik: “When @dondonmonteverde and I were asked what we wanted to do for HBO, we, almost immediately at the same time, thought of remaking this show,” pagsisimula ng metikulosong direktor.
“We have ever since wanted to do a film or series about the movie industry we grew old in.”
Excited daw siyang gawin ang project dahil that will uncover what goes on behind the scenes of the showbiz industry.
“Showbiz stories for movies or tv are usually not bought by our local producers because they think no one wants to watch stories about what goes on behind-the-scenes of our industry. But it is so full of interesting and scandalous stories with such a diverse and colorful group of interesting people that would be great characters to immortalize in a show like this.”
“Finally, we can do our tribute to a world where what goes on behind the glamour is as much or even more interesting than what we see in the movies,” mahaba niyang paliwanag.
Wala pang ibang detalyeng sinasabi kung na-tackle na ba ang Call My Agent Pinoy adaptation kina Angel at Edu.
Syempre pa may reaksyon pa rin ang mga Marites sa ideyang pagsamahin sina Angel at Edu.
“Ex-biyenang hilaw ni Angel si Edu.”
Naging ex kasi ni Luis Manzano ang aktres na ngayon ay happy na sa mister nitong si Neil Arce gayun din si Luis sa misis na nitong si Jessy Mendiola.
“Happy na both so huwag ka na gumanyan”
“drive to create original content” pero remake o adaptation so di na original.”
“This is exciting but sana Angel will lose weight kahit hindi na yung dating nipis nya before.”
“Tapos i-promote ni Luis sa IG nya. Charot!
“Meron din nito s netflix. Napanood ko dati.”
“Angel shouldn’t lose her curves for this role. Bagay yung curvy, bombshell look for her.”
***
LAST Sunday ay binigyan ng advance birthday celebration ng ASAP Natin ”To ang actor na si Piolo Pascual.
Bale pag-welcome.na rin ng.programa sa.actor.sa.pagbabalik ASAP.nito after.almost one year na hindi napanood sa longest variery Sunday Show ng ABS-CBN.
Nitong January 12 ang actual birthday ni Papa P.
And if.I am not.mistaken ay 45 years old na ang actor.
Greet nga ng kanyang forever fan at former Personal Assistant ng ilang taong nagdaan na si Moi Bien: “Happy birthday my Mayor (you’re) the best!! and you’re the yummiest, the (yummier)? hehe I love you beri beri Much!! Ikaw lang yung habang tumantanda lalong sumasarap!! ahahaha.”
Pahabol pa ni Moi: “Pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old kana! Naku lagot baka tayo talaga! Wahahahaha happy birthday.”
Hindi rin nagpakabog ang TV host-aktres-vlogger na si Alex Gonzaga.
Malaki ang naging parte ni Papa P sa pagkakaroon ng pamilya ni Alex.
Si Papa P ang nagpakilala kay Alex sa husband na niya ngayong si Mikee Morada.
Kaibigan ni Papa P si Mikee.
Alex expressed her gratitude to Papa P dahil sa ginawa nito.
Sey ni Alex: “Happy birthday papa P!!! @piolopascual_ph Kung hindi dahil sayo wala ako asawa at kalandian ngayon. Marami kami nagmamahal sayo na natulungan at napasaya mo.”
Nagkomento naman ang netizens sa birthday greetings ni Alex para sa catchy bachelor actor.
Good catch daw kasi ang actor para sa mga kababaihan.
Komento ng followers ni Alex: “landian na nauwi sa kasalan, thanks to papa p hehe”
“Happy birthday po sa naging tulay ng MiLex”
“because of Papa P, nagkaroon ng MiLex.”
May mga nagwi-wish naman na sana nga raw ay magtuluy-tuloy na ang relasyon nina Papa P at Shaina Magdayao.
Kung good catch daw kasi ang actor, likewise rin naman daw sa aktres.
***
IBINAHAGI ni Claudine Barretto nang magkita sila ni Marjorie Barretto at magkasamang sinalubong ang year 2022.
Kasama ang Optimum actress pati na rin ang kanyang mga anak ng Barretto Family sa pag- welcome ng Bagong Taon.
Naroroon nga ang elder sister niyang si Marjorie at mga anak nito.
Matatandaang lalong tumindi ang hidwaan ng Barretto sisters — Gretchen, Marjorie at Claudine — nu’ng pumanaw ang kanilang ama.
Ilang taon na rin naman ang lumipas at nu’ng mga panahong yun ay nagkaayos na rin sina La Greta at Claudine.
Nito ngang pagpasok ng 2022 ay magkasamang nagselebreyt ng New Year sina Marjorie at Claudine
Tanging si Gretchen lang ang wala sa larawang nakapost na Barretto family.
Sabi nga ni Claudine sa muli nilang pagkikita ni Marjorie, “So much peace.”
Hindi na nagbigay pa ng anupamang detalye ang Optimum aktres.
Pero sa pagkikita nilang yun ni Marjorie talagang nakaluwag daw sa kanyang dibdib.
For sure nakita ni La Greta ang larawan ng kanyang pamilya.
Wala mang binigay na komento sa larawan ng Barretto Family; we’re sure na sa loob-loob ni La Greta pasasaan ba at lahat sila ay magkakaayos din.
Siguro may dapat lang na magpakumbaba na isa sa kanila ni Marjorie at magiging okey na sila.at magkakapatawaran.
Sa kaso ni Claudine, all’s well that ends well.
Lalo pa at tumatakbo siya ngayong konsehal sa Olongapo ngayong darating na halalan.