Advertisers

Advertisers

Raptors at Nuggets, wagi sa magkahiwalay na laban vs Celtics, Clippers

0 216

Advertisers

NAITABLA ng defending champion Toronto Raptors at Denver Nuggets ang kanilang magkahiwalay na serye sa nagpapatuloy na NBA semifinals sa Eastern Conference sa Disney World sa Florida kahapon.
Mayroon nang dalawang panalo ang Raptors matapos na itumba ang Celtics sa kanilang Game 4, 100-93.
Pinamunuan ni Pascal Siakam ang opensiba ngToronto sa kinamadang 23 points at 11 rebounds.
Umarangkada ng husto ang Raptors pagsapit ng third quarter makaraang magtabla sila ng karibal na Celtics sa pagtatapos sa first half sa 49-all.
Pagkatapos nito, hindi na lumingon pa ang Toronto sa kanilang kalamangan hanggang sa pagtatapos ng laro.
Nag-ambag rin sina Serge Ibaka at Fred VanVleet ng 18 at 17 points ayon sa pagkakasunod.
Sa panig ng Celtics, nasayang ang 24 points at 10 rebounds ni Jason Tatum.
Ang Game 5 ay itinakda bukas araw ng Martes, Setyembre 8.
Sa kabilang dako, kumayod ng husto ang Denver upang hindi na maulit ang pagmasaker sa kanila sa Game 1 ng Clippers.
Sa ngayon, naipantay na ng Nuggets ang serye sa tig-isang panalo nang bumuwelta sila sa Clippers, 110-101.
Nagsama ng puwersa sina Crawford na kumamada ng 27 points at ang Nuggets Nikola Jokic na nagbuslo ng 26 points at 18 rebounds.
Sa kampo ng Clippers, inalat ng husto ang dating two-time NBA ,MVP na si Kawhi Leonard na mayroon lamang 13 points.
Habang nasayang naman ang pagpapakitang gilas ni Paul George na nagpakawala ng 22 points.