Advertisers

Advertisers

Kris obyus na bitter sa hiwalayan kay Mel Sarmiento; Heart minura ang makulit na basher

0 369

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY pinatulan na namang basher si Heart Evangelista.

Nakakasakit naman kasi talaga sa damdamin ang tanong ng basher.



Diretsahang tanong ng basher, pitong taon na raw silang kasal ng Sorsogon Governor, pero bakit hindi pa raw sila nagkakaanak.

Binara ni Heart ang nagtanong.



Ani Kapuso aktres, “Chill. Not your uterus.”

Nitong darating na Pebrero ay pitong taon nang kasal ang mag-asawa.



Sa TikTok account ni Heart ay ibinahagi niya ang screenshot na tanong ng basher.

“Ba’t di kayo magka-anak?”

Sumagot ang Kapuso aktres, “Kulit ha.”

Hindi pa rin siya tinantanan ng basher sa katatanong kaya nairita na si Heart.

Iritable man si Mrs. Escudero, maayos pa rin ang kanyang sagot.

“Ayoko eh. Didn’t anyone teach you manners?

“I mean, you know what… I mean, if I am not sad about it then why are you even?”

At sa huli ay sinabi na nga ng fashion icon na “Chill. Not your uterus.”

Dagdag pa niya, “Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. My goodness. What are you going to do when your kids have their own life?”

Hindi ito ang unang beses na may nagtanong kay Heart kung bakit hindi pa rin siya nagkakaroon ng anak.

Hindi naman masasabing may problema ang matris ng aktres dahil minsan na rin.naman siyang nabuntis nu’ng 2018 yun nga lang nakunan siya.

Ang dami ngang nalungkot dahil kambal sana ang magiging anak nila ni Chiz.

At eto na nga after nun ay hindi na muling nag-preggy ang aktres.

Dun na rin nagsimula ang mga tanong sa kanya na bakit di pa siya nabubuntis.

May nagkomento pa ngang sinabihan ng netizen na baog si Heart.

“Kahit ilang honeymoon pa yan baog ka pa den d ka na magkakaanak.”

Ang tapang ng hirit ni Heart sa commenter: “Ulol—the only word you can understand.”

***

MARAMING nagmamahal kay Kris Aquino ang nalungkot sa paghihiwalay nila ng fiance na si Mel Sarmiento.

Hanggang ngayon ay palaisipan sa netizens kung ano talaga ang tunay na dahilan at bakit biglang nagbago ang ihip sa pagitan ng prominenteng personalidad.

Though sinabi naman ng Queen of All Media na health condition.niya ang rason ay ayaw pa ring maniwala ang mga netizen.

May mas malalim pa raw na dahilan dahil alam naman daw ng former DILG na may sakit na si Kris bago naging sila.

May isang concerned netizen ang nag-message sa IG account ni Kris.

Sey ng netizen: “GET WELL SOON MADAM. ALWAYS REMEMBER MADAMI NAGMAMAHAL SA YO KAHIT WALA SI *** #lovelovelove”

Sinagot ni Kris ang post message: “It’s Not My Loss #truth”

Komento naman ng ibang netizens.

“Hope Kris can be happy and healthy with her sons, family and many blessings. Romantic relationships aren’t that amazing. The magic doesn’t last and what comes after is hard work and compromises…often from women, to be very honest. In many ways being single or separated or divorced is a bigger blessing, at least once you’ve healed and gained stability.”

“ayusin mo nalang health mo” na siya namang ginagawa ni Kris alang-alang sa dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimb.

“Actually, not his loss also. Pareho kayong di kawalan sa isatisa! Kasi both are mayaman, both may estado sa buhay, both matured in age so set na yung ways in life ayaw mag-adjust, kaya nga siguro nagclash kayo coz both are stubborn yung isa selfish yung isa naman ma-pride ayan ending!”

“This! Natumbok mo lahat haha pero mas more on dun ako sa selfish and controling ung isa. I like Kris pero talaga naman, she’s too much to handle sobrang independent nya and headstrong parang hindi uso ang compromise.”

“Need ni Kris ng stable and mature rel’p pero magbebend sa gusto nia. Dko alam kung me lalaki na successful (in his own field) na papayag na sundin lahat ng whims and drama nia in life. Sana she finds happiness and contentment in solitude.”

Puna naman ng isang commenter sa sagot ng momshie nina Josh at Bimb.

“Akala ko bah Kris ikaw nakipagbreak bakit u sound bitter?”

“Uh oh…my bitterness ang reply. Oops hanggang dyan na lang sana. Di ba sabi mo mananahimik ka na tungkol kay ***?”

“Ang hirap din ispelengin nitong si Kris. She is so petulant and madaling magtampo. Me me me me na lang lagi.”

“Inferness kay MS di nagsasalita, marami daw gusto maginterview but he turned it down, its wise kasi hahaba pa usapan focus na lng lahat sa paggaling ni Kris!”

“Sayang yung relasyon nla. We dont know the real reason sa breakup hah pero sa lahat ng naging bf ni Tetay ito sya ang bagay sa kanya matured, achiever mayaman din yung wala silang social gap! Sayang, get well soon na lng Tetay mas importante health moh kesa mga lalaki!”

“Bitter mo Kris. Siguro hindi sya hinabol ni guy.”

“If he cannot accept the life you have, then he is not for you.”

“Kris: “It’s Not My Loss!”

All the Exes: ****crickets***”

“Mel or Herbert are both smart to walk away talaga. Ang mga lalake di talaga katulad ng mga babae (for the most part) na umaasa magbago partner natin. Perhaps these men have seen the red flags at the early stage of the relationship so they let go.”

Payo naman ng isang netizen “Sana mag off muna sya nang social media nya at magpalaks sya”

“Kris, tumahimik ka na. Forget and move on na. Wag ka na pa-stress pa. Look at urself. You are not getting better.”

May nanghihinayang sa relasyon nina Mel at Kris.

“She’s hurting. Sana maayos pa. They can do quasi-LDR naman muna eh. Nasasayangan talaga ako sa kanila.”

“she had many romantic relationships gone sour. minsan mapapaisip ka na lang din, sino ba ang may problema talaga? better for her to focus on her health and her kids, huwag na mag boyfriend muna.”

“Her worst enemy is herself. Imbis na nagpapahinga eto sya.”

“It’s not her loss but it affects her health”

Sana nga pansamantala munang isara ni Kris ang kanyang social media accounts nang sa ganun ay hindi siya nai-stress sa mga komentong nababasa tungkol sa kanila ng ex fiance.