Advertisers

Advertisers

Mga “kriminal” sa likod ni Yorme (Part 2)

0 227

Advertisers

CONTINUATION ng ating nakaraang kolum kaugnay sa mga kuwestyonableng personalidad na nasa likod ni Manila Mayor Isko Moreno.

Marami kase ‘maritess’ ang curious sa isinulat natin ng nakaraan, kaya heto ang inyong request kung sino-sino pa ang mga “kriminal” sa likod ni Yorme.

Handa na ba kayo?!



***

NASA likod ngayon ni Yorme ang isang tulisan na matakaw sa kwarta— kwarta ng kotong sa mga jeepney at UV van terminal.



Malapit ito kay Yorme, dahil noong 2019, s’ya ang tagawa ng mga stage kapag may campaign event ito.

Pero ng manalo si Yorme, aba, instant millionaire na ngayon?



***

NASA tanggapan ng MTPB ang taong ito. Pero, hindi maipuwesto ni Yorme dahil bagsak ang kwalipikasyon sa civil service, high school graduate lang kase ito!

Kaya ang trabaho na lamang ay magsilbing “bagman” sa mga intellihensya mula sa illegal parking at iba pa.

Kumukuha para kina “eddie” at “patty”

***

MADALI lang makilala ito mga katoto, kung may logica kayo madali n’yo ma-gets kung sino ang taong ito na nag-oopisina sa loob ng MTPB kahit wala naman legal appointment sa city hall ——money appointee lang!

Tumatabo ng kwarta mula sa mga “illegal” pero dahil sa “closeness” kay Yorme untouchable daw ito sa loob ng city hall.

Da who sya? Clue: ang tatak ng kanyang brief — Carter!

EX-COUNCILOR CUM KONTRAKTOR

ISA pa, nasa likod rin ni Yorme ang isang dating Konsehal cum contractor na nakalinya naman para komolekta — saan pa kundi sa illegal din!

Ang inisyal nya — R.I dito, nakaatang naman sa kanya ang mga illegal gambling, vendors at mga contractor sa barangays sa Maynila.

Basta brgy budget may “share’ sya!

***

HINDI maaring ma-release ang barangay budget nang hindi daraan sa kanya. Alam iyan ng maraming barangay officials sa Maynila.

Madali makilala ang “kriminal” na ito mga katoto. Kilala din s’ya sugapa sa sugal lalo na sa casino. Madalas itong nakikita sa mga malalaking casino sa Paranaque.

Zino sya? ikaw na bahala Bay!

***

MULI, ilan lamang ito sa mga “kriminal” na nasa likod ni Yorme na nagpapakilala sa publiko na may malinis na pagkatao — pero hindi pala.

Sa totoo lang, katakot maging Presidente si Yorme, kung ang nasa likod naman niya ay mga taong may kuwestyonable karakter at pagkatao.

Ang sabi nga: Tell me who your friends are, and I will tell you who you are!”