Advertisers

Advertisers

Morissette inilantad na ikinasal na

0 204

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

WALANG binigay na eksaktong petsa kung kailan nagpakasal si Morissette Amon sa kanyang long time partner na si Dave Lamar. Laking gulat na lang ng mga followers ng dalawa nang kamakailan ay nag-post si Morissette  ng isang wedding video nila ng asawa, kasama music, prenup , and a wedding video all in one sa social media account ng sikat na singer.

Kasamang pinost din ni Morissette ang wedding photo nila ni Dave at doon ay nilagyan niya ito  ng caption na ganito:



“We are so happy to finally officially announce that WE ARE MARRIED! it was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we’re finally Free! what a ride it’s been, @davejlamar!

“To the stars and the Moon, I love you my Husband! thank you for being my True North through it all, holding my hand as we journey through this life together. And I can’t wait to keeping going Up and Away and experience it all with you!”

Samantala, sinagot naman ng kanyang mister ang naturang post ni Morissette.

“The journey has been incredible. I am so overwhelmed and blessed that God lead me to my true north, my best friend, and now my wife! I love you, @itsmorissette. So excited to spend the rest of our lives together!,” say ni Dave.

***



NAGING patok at patuloy pa ring pinapanood ang streaming ng first ever Girl Love o GL serye na ang bidang babae ay certified na  tomboy na si Lulu Martinez at si Rhen Escano na babaeng-babae talaga, ang “Lulu” na nagsimulang nag-streaming nitong Jan. 23, Linggo sa Vivamax and every Sundays thereafter.

Noong nagsisimula palang si Rhen sa showbiz ay iba ang kanyang pananaw pagdating sa relasyon ng girl to girl, medyo may pagkakonserbatibo pa. Pero nang gawin niya ang isang lesbian movie na ‘Adan’ kasama si Cindy Miranda, nagbago ang ihip ng hangin kay Rhen.

“Noong ginawa ko ’yong ‘Adan’, binuksan ko talaga ’yong isip ko sa LGBT, sa mga lesbians, in-embrace ko talaga sila. More so ngayon na may nakasama ako na member ng LGBT. At hindi lang po ’yon, lahat po kasi ng staff na kasama namin sa ‘Lulu’ lahat sila, eh,” say ni Rhen.

Beyond friendship nga lang ba ang relasyon ngayon nila ni Rita? May nakita sa kanilang dalawa na nag-date at sweet sa isa’t isa.

“Magkasama po kami no’ng New Year medyo late part  na. Nagkayayaan lang kami nila Miss Dolly de Leon, ang aming acting coach. Sabi ko, ‘Okay.’ Ang lapit lang po  naman namin sa isa’t isa, eh. Sabi ko, ‘Why not’” dagdag pang say ni Rhen.

Wala man positibo pang tugon kung meron na ngang ‘something’ kina Rhen at Lulu, well, your guess is as good as mine.

You can also subscribe online at www.vivamax.net, select a plan and you can pay through PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay or at any ECPAY partner outlets near you.