Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA latest vlog ni Luis Manzano ay nag-game sila ng trotropahin or dyodyowain kasama sina Vilma Santos, Jessy Mendiola at mga helpers.
Nailang factor pa nga si Luis na para raw sa edad nito ay tila alanganin na siya sa game na ‘yun.
Sumabat naman si Jessy na laro-laro lang lahat ‘yun.
Kaya naman nagbanggit na ito ng pangalan ng mga lokal aktor sa pangunguna nina Boyet De Leon, Bobot Mortiz, Philip Salvador, Piolo Pascual, Ian Veneracion, Derek Ramsay, Dingdong Dantes, John Lloyd Cruz, Richard Gere, Tom Cruz etc.
Napuna naman nito ang ina na tila dyodyowain lahat ng nabanggit na mga aktor kasama na ang mga foreign actor.
Nang sabihin naman ni Luis ang name ng Korean Actor na si Gong Yoo, nagulat ito sa sagot ni Jessy na ‘dyodyowain’ at nagkabiruan na iiwan na ng actress- vlogger si Luis dahil kay Gong Yoo.
Medyo napansin na napataas ang kilay at napamulagat ang mata ng TV host actor-vlogger sa sagot ng esmi na di nito inaasahan.
Gulantang din si Luis na pati ang ina ay dyodyowain din daw ang Korean actor.
Marami namang natuwa na netizens sa game vlog na ito nina Luis, Jessy at Ate Vi.
***
NAGING tuksu-tuksuhan ang pics nina Joshua Garcia at Markus Paterson na naghawakan ng kanilang mga pisngi.
Nagmukha nga tuloy loveteam ang dalawa dahil sa kanilang larawan.
Lalo na nga raw magkasama sila sa isang project na may titulong Viral Scandal.
Marami naman na-shock sa dalawang klase ng pics nina Joshua at Markus.
Okey lang ang isang larawan na nagtatawanan lang sila habang nakatayo.
Sa naghawakan ng pisngi naloka ang netizens.
Nakarating na rin pala sa kaalaman ni Markus na crush ni Joshua ang kanyang dyowa na si Janella Salvador.
Kahit si Daniel Padilla ay ibinuking si Joshua na crush nga nito si Janella.
Pero talagang maraming naintriga sa hawakan ng pisngi nina Joshua at Markus na naka-post sa socmed.
Well, well, well…’Yun na!