Advertisers

Advertisers

May edad na naman daw… Ellen feeling yummy pa ang mister na si Derek; Yassi trending ang pamamalengke sa Bohol

0 174

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAG-POST si Ellen Adarna ng larawan ng kanyang mister na si Derek Ramsay na half naked dahil naliligo ito.

Nilagyan niya ito ng caption: “So sexy!!!!!Ulbong Caspa uy.”



Isang netizen tuloy ang nagkomento: “Mhieeee Wala bang with eggplant emoji reveal jan? Charrr”

Sumagot si Ellen: “You hoe! Not for public consumption. Private trespasses will shot in the head :)”

Na-trigger ang netizens kaya sinabihang may edad na raw ang kanyang mister.

“Lumalabas ang edad ni Derek dyan.”

“Nagalit pa sya kuno. Kung ayaw nya pala taningin sya ng tao na pakita yun šŸ† eh di hwag nya kunan asawa nya ng naliligo.”



Oo nga. Lol. Ni hindi naman interesting ang katawan ni lolo.”

“Feeling din kasi itong si girl. Patakam. Akala cguro lahat ng tao pinagpantasyahan asawa nya.”

“Jeskelerd! Ang cheap talaga ng galawan ni Ellen. Obviouy, Derek was annoyed sa earlier part ng vid.”

“Bakit ba tuwing may malalaking isyu biglang nagpapapansin ang dalawang TH na yan?”

“Derek is obviously pissed. Why is ellen such a lowlife?

“You can’t buy class with money”

“Sus isaksak mo sa baga mo si Derek, hindi na sya hot anyway”

“and she is posting this because?”

May sumagot sa tanong, “To be relevant! Typical galawan ng mga starlet gaya ni ellen.”

***

HUMANGA ang mga netizen kay Yassi Pressman nang makita nila itong namamalengke.

Ibinahagi ng TV host actress sa kanyang uploaded video sa Instagram account niya na nage-enjoy siyang mamalengke sa isang wet market.

Tuwang-tuwang namimili si Yassi ng iba’t ibang klaseng seafoods.

Ibinahagi rin niyang siya ang nagkakaliskis sa isdang pinamili.

Masayang sabi ni Yassi: “YEHEY!!! Nakapamalengke na ulit after so looooong! Ang saya saya!! Love you mga boholanons.”

Na-appreciate naman ng mga internet users ang pakikisalamuha ng aktres sa mga taong nasa palengke.

Anila: “Salamat sa lahat lahat ng tulong sa ating kababayan.” “Sarap ng mga hipon na yan. ganda ng namimili happy for you at nakapamalengke ka na, galing mo pang mgkaliskis ng isda, napaka down to earth mo talaga.”

***

TRENDING ang post ni Joshua Garcia sa kanyang FB page kung saan isa itong sweet caption na nakasulat sa kanyang larawan with Ria Atayde: “Ikaw ang aking liwanag.”

Maraming netizens ang nakakita at nakabasa sa posted photo ng dalawa.

Espekulasyon tuloy ng mga netizens, romantically linked na ang dalawang Kapamilya astists.

Dahil nag-viral, pinutakte ng tanong ang FB page ng aktor.

Maging sa kanyang Instagram account ay may mga nagtatanong kung sila na raw ba ni Ria? Papano naman daw si Ivana Alawi?

Nagtaka si Joshua sa mga natanggap na komento.

Aware ang binatang aktor kaya naman sinabi niyang wala siyang FB account. Hindi raw siya gumagamit ng gan’ung platform.

Pagkaklaro Joshua, hindi niya pag-aari ang nasabing FB page dahil wala siya nun kahit isa:

“Hello! This is not mine! I don’t have Facebook page! Thank you.”