Advertisers

Advertisers

La Niña magtatagal hanggang Abril – PAGASA

0 178

Advertisers

INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mananatili pa rin ng hanggang buwan ng Abril ang La Niña.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, na magtatagal ng Abril ang La Niña at magbabalik sa neutral condition ang panahon sa buwan ng Mayo.

Maaring makaranas ng higit sa normal na dami ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa sa susunod na tatlong buwan.



Asahan aniya ang pagdaan ng maraming bagyo mula Pebrero hanggang Mayo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility.

Nauna nang inanunsiyo ng PAGASA ang pagsisimula ng La Niña noong Oktubre 2021.