Advertisers

Advertisers

Masakit na katotohanan

0 1,875

Advertisers

KINAKATOK ng katotohanan ang mga buktot ng lipunan upang magpaliwanag sa mga usapin na kailangan ng paglilinaw hingil sa isinampang DQ petition laban kay Boy Pektus hinggil sa mga ‘di nabayarang buwis at iba pa. Hindi alam kung paano salagin ang ini abas ni Atty. Rowena Guanzon, commissioner ng COMELEC hinggil sa ‘di makalabas o mailabas na pagpapasya hingil sa pagpapa DQ kay Boy Pektus, at sinangkalan ang pagkakaroon ng C19, ng chief of staff ng isa pang commissioner na siyang ponente sa usapin.

Humaba ng humaba ang paghihintay na maisulat ang ulat na tila nawalan ng tinta ang computer at hindi makapagprint ng confidential report na sila-sila ang nakakaalam. Dahil sa tagal, nainip si Atty. Guanzon at isiniwalat na may maimpluwensyang tao mula sa senado ang kumikilos upang matagalan ang pagsusulat ng ‘di makasama ang pasya ni Atty. Guanzon na una nang nagsumite ng posisyon sa usapin na nagbibigay daan sa pag DQ kay Boy Pektus.

Sa pagtayo ni Atty. Guanzon, tila pinipilipit ng mga legal expert kuno na ang marangal na ginawa nito’y tila mali sa itinakda ng Judicial Ethic ngunit isang pagpapabatid at nakalakip ang katarungan para sa bayan. Mahalaga ang pagsunod sa alituntunin ng Judicial Ethic o ang mabatid ng bayan na dapat na iDQ si BP at ito ang tamang paghuhusga ng bayan na may pakinabang. Mabigat at masakit sa taong nagsasabi ng katotohanan na ngayo’y nasabihan o naakusahan ng mga paglabag gayung ang ibig nito’y malaman ng bayan ang katayuan ng usapin. At bilang lingkod bayan, serbisyo sa bayan ang una at ito ang kanyang sinumpaan. May mga tao na nagtatago sa likod ng Judicial Ethic ang wala sa tamang pag-uugali na nanamantala upang ilakad ang sariling layon. Kung ito ang katarungan, sino ang mali o tama, sino ang mapalad?



Sa ngalan ng katotohanan, tumayo at ipinabatid ni Atty. Guanzon, sa bayan na may nagaganap na gapangan upang mapalawig ang araw ng pagpapasya sa usaping matagal ng tapos gayung hanggang sa kasalukuya’y hindi pa naisusulat ang ulat ng napag-usapan. O tila may pananadyang patagalin ito upang hindi maging bahagi ng ulat ang pasya na kanyang isinumite sa lupon na taliwas sa pasya ng lupon na maaaring magpawalang saysay sa petisyon kontra kay Boy Pektus. Na sa madaling panahon, maaring lumagpas sa araw ng pagreretiro nito sa serbisyo sa komisyon at mabalewala ang isinumiteng sariling pasya sa lupon na duminig sa usapin.

Dahil batid ang takbo ng kalakaran sa Komisyon ng Halalan, minabuti nitong sa bayan mag-ulat at magsabi na may batayan ang DQ kontra kay BP. Sa pagpapabatid ng opinyon sa usapin ng DQ, tila na praning ang COMELEC at siya ang hinahanapan ng mali ninais na mapawalang bisa ang retirement benefit bilang commissioner. Eh tila nagkamali ang mga banta na hindi ibigay ang retirement benefit nito ng tahasang sabihin na hindi niya habol ang benepisyo dahil mayroon itong kakayahan na mabuhay kahit wala ang benepisyo. Ang mailabas ang dapat at malaman ng tao ang nagaganap sa COMELEC ay sapat na sa aleng nabuhay ng may gintong kutsara..



Sino ang may sala na sabihin ang tama sa bagay na may pakinabang ang bayan? Ang pagsasaad ba ng tama’t may paglabag sa Judicial Ethics ng institusyong palagi isa alang-alang o dapat una ang kagalingan ng bayan? Dahil nasabi ang tama na masakit sa iba, ito ba’y pagkakamali? Ang hindi pagsunod sa asal sa ngalan ng hustisyang bayan ay isang kamalian kung ang pakinabangan pang bayan? Saan at kanino aasa si Mang Juan upang makamit ang hustisyang mailap? O huli ang bayan sa inyong kanaisan?

Sa mga tanong, tila walang aasahan si Mang Juan na sasagot ng tuwiran dahil batid ng mga ito sa sarili na kailangang unahin ang sarili bago ang bayan. Ang galaw ng mga ito’y pagtitiyak na hindi sila naduhagi sa kung kaninong panig kikiling na magbibigay ng tamang halaga at pagpapahalaga, at hindi ito para sa bayan. Pansarili ang una at ang pangalawa para sa kakampi na matatakbuhan sa oras ng kagipitan ng ‘di mabawasan ang kinita sa usaping bayan. Hindi mararating ang kinalalagyan kung hindi sa mga kasapakat na malalim na pagnanais sa usapin na sa huli sila ang may pakinabang.



Ang paglutang ng katahimika’y huwag maging oras ng pagkalma dahil sa gawi ng Inferior Dabaw Group, malamang na malalim ang laro upang mapanatili sa kanila ang kapangyarihan. Mukhang ginagamit si Boy Pektus sa larong ito, at ang malabnaw nitong utak na ‘di maarok ang kaganapan ang siyang kinakapital ng IDG. Napaka palasak ang ganitong kilos ng IDG, tahimik ngunit mabalasik ang pagnanais..

Sa paglabas ni Atty. Guanzon, mabuting talasan ang pakiramdam upang masuri ang kilos ng bawat kampo lalo na ang mga taong nakatikim ng sarap na ayaw bumaba. Ang usapin ni Atty. Guanzon ang takip sa mas malalim na usapin na kung pagtutuunan, huwag lang ang kasalukuyan dahil baka mabulag sa mas malalim na usapin. Ang pagpapatagal sa paglabas ng desisyon sa usapin DQ ni Boy Pektos ay isang taktika upang mag-init ang bayan at gumawa ng kilos na maglalagay sa bayan sa mas malaking usapin.

Ayaw nilang maresolba ang usapin at nais ng mga ito na lumaki at nagsanga-sanga ng magkaroon sila ng dahilan sa kilos na ninanais. At kung maglabas ng pro or anti BP desisyon, malinaw na titigil ang usapin at mauuwi sa apela ng kaso. At ang pagtigil ng kanilang pagnanais. Sa totoo lang nais ng IDG ang katapangan ni Atty. Guanzon at pagsakay ng marami nitong kaalyado, dahil ito ang kanilang behikulo sa mas malalim nilang balakin at pagnanais.

Sa totoo lang at masakit sabihin na hindi natuto ang komisyon sa mga halalan na tuwiran na sa kanila ang tama ng batikos at puna. Sa usaping ito hindi pa dumadating ang halalan, ang batik na dala’y nagtutuloy at ang usapin ni Boy Pektus parang pang iwas atensyon ngunit hindi mapanghawakan. Masakit ang katotohanang kaharap ng komisyon na tuwirang inusal ni Atty. Guanzon ng bangitin nito na naniniwala pa ba kayo sa amin.

Tila pana na tinudla na tumusok sa puso. Subalit, hindi ito ang kanilang usapin, ang pananatili ng IDG na nagtalaga sa kanila ang pinaka pakay upang magpatuloy ang hayahay na buhay. Ang pagresolba sa usapin ni Boy Pektus hindi ang kanilang nais, sa halip ang magulong sitwasyon na magbibigay daan sa pananatili ng buktot ang masakit na katotohanan na kailangan paghandaan. Maging mapagbantay at baka maisahan sa usaping nililinlang ang bayan, at maging masakit na katotohanan.

Maraming Salamat po!!!