Advertisers
MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang umano’y pinu-push ng supporters ng bagong tandem ng malalakas na presidential at vice presidential aspirants.
Itinutulak daw ng diehard Duterte supporters (DDS) ang Isko Moreno at Sara Duterte-Carpio tandem sa halip na Bongbong Marcos-Sara. Araguy!!!
Tapos itinutulak naman daw ng BBM supporters ang Marcos-Tito Sotto dou. Patay kang Ping ka, ehek!
Originally, si Isko ang running mate ay si Dr. Willy Ong; habang si Marcos ay si Sara; at si Sotto naman ay si Ping Lacson ang presidente.
Bago pa pumutok ang isyung ito, nanawagan na si Sara sa kanyang supporters (DDS) na ang dapat nilang suportahan ay si Marcos dahil ito ang kanyang presidente, hindi si Isko.
Ginawa ito ni Sara nang magsalita ang kanyang ilang lider na ang gusto nilang suportahan sa pagkapangulo ay si Isko. Tsk tsk tsk…
Bilang resbak, ilang pro-BBM ang nagsalita na ayaw nila kay Sara dahil may masama raw pala itong balak, ang ipa-disqualify si Marcos para siya ang tatayong pangulo. Tsk tsk tsk… Kaya ang gusto nila maging running mate ni Marcos ay si Sotto. Ang gulo na nila. Hehehe…
Kaya nabahala narin si BBM. Naglabas ito ng statement sa social media at sa mainstream media para sa kanyang supporters na “huwag maniwala sa fake news”. Sila parin daw ni Sara ang magka-tandem, magkakampi sa darating na eleksyon. Period!
***
Nagretiro na nitong Miyerkoles (Pebrero 2) ang fighting commissioner ng Commission on Election (ComElec) na si Rowena Guanzon.
Nagretiro si Guanzon na hindi pa nailalabas ang decision sa disqualification case laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.
Ito ang ipinuputok ng butse ni Guanzon. Dahil hindi na mabibilang ang kanyang boto na “disqualified” si Marcos dahil nga nagretiro siya na hindi pa nailalabas ang decision ng Comelec 1st Division kungsaan president commissioner ang una.
Sinisi rito ni Guanzon si Commissioner Aimee Ferolino na siyang ponente o gagawa ng decision sa DQ vs BBM.
Si Ferolino, sabi ni Guanzon, ay isang pro Marcos at appointed ni Duterte. Sinabihan niya pa itong nabayaran kaya inipit ang paglabas ng decision.
Giit ni Guanzon, dapat ay Enero 17, 2022 pa inilabas ang decision sa DQ vs BBM. Over delayed na ito ngayon!
Sigaw ni Guanzon, convicted, si Marcos Jr ng Quezon City RTC Branch 105 sa kasong tax evasion, ‘di pagbabayad ng tax mula 1982 hanggang 1985. Hindi rin, aniya, ito nagbayad ng multa na ipinataw ng Court of Appeals. Kaya ‘di na ito dapat pagkatiwalaan pa, disqualified na sa pagtakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
Dahil retirado na si Guanzon, hindi na counted ang kanyang boto sa DQ vs Marcos, ira-raffle uli ang naturang petition. This time kasama na sa mga magdedesisyon ang mga bagong itatalagang commissioner ni Duterte.
Pero sabi ni Guanzon, hindi niya titigilan si Ferolino hangga’t hindi na-impeach.
Si Ferolino ay sa 2026 pa magreretiro.
Sa kanilang banda, si Guanzon ay kabilang sa short list ng pgagpipilian para Deputy Ombudsman Visayas.
Si Duterte parin ang magtatalaga kung sino ang feel niya para sa Deputy Ombudsman Visayas.
Subaybayan!