Advertisers

Advertisers

NUMERO NI ISKO, PATAAS NANG PATAAS!

Pilipino, ayaw sa 'takbuhing' si Marcos Jr.

0 287

Advertisers

MALINAW, praktikal at ‘doble’ ang mensaheng dala ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kaya hindi na maaawat pa, pataas na ito nang pataas.

Ito ang sinabi ng Team Isko chief campaign strategist Lito Banayo sa malaking percentage na nakuha ni Yorme Isko, ayon sa data research firm na Tangere.

May kalakip na pruweba at mahusay na akomplisment ang ‘Bilis-Kilos’ na islogan ng 47-anyos na kandidatong presidente, paliwanag ni Banayo sa media.



“We have proof of our achievement in the City of Manila, we can replicate it all over the country, and we have the platforms, the programs to show that it can be done,” sabi pa ni Banayo.

Matapang si Isko, sabi ng chief campaign strategist ng Aksyon Demokratiko na isang katangiang dapat ay taglay ng nais maging presidente ng Pilipinas.

Sabi ni Banayo, hindi umaatras, laging pasugod kung sa giyera, handang makihamok sa mga kalaban sa politika ang kanilang pambatong presidente.

“Yorme Isko is not afraid to face his rivals nor the media to discuss his platform. Si Isko, para sa amin ang bagong mukha ng pagbabago. For us, it’s ‘tunay na solusyon and mabilis umaksyon’, “sabi ni Banayo.

Mataas ang kumpiyansa ni Kois kaya anomang oras, handang humarap sa media, handang makipagdebate sa mga katunggali sa politika.



Taliwas sa nangyayari ngayon kay dating Senador Ferdinand Marcos Jr. , dahan-dahan, pababa na ang interes at bilib ng tao sa kanya.

Naduduwag, takot na takot na humarap sa media at sa mga karibal sa eleksyon si Marcos Jr., paliwanag ng magaling na political strategist.

Sa opinyon ni Banayo, siguro nais lang protektahan ng tropa ni Marcos Jr. na iiwas ito sa harapang kasama ang katulad ni Yorme Isko.

Iniiwas lang marahil ng campaign team si Marcos, kasi “baka magkamali” sa diskusyon kaharap ang mga katunggali at media.

Ang di-pagharap sa media at sa publiko ni Marcos ang dahilan ng unti-unting pagbagsak ng popularidad nito sa masa.

“Ayaw ng mga tao sa mga kandidatong takot magpakita ng mukha sa kanilang kalaban,” paliwanag ni Banayo.

Nawawalan ng gana ang mga tao sa isang ‘takbuhin’, paniwala ni Banayo ang rason kaya bagsak ang numero ni Marcos Jr.

Para patunayan ito, binanggit ni Banayo ang resulta ng non-commissioned survey ng Tangere noong Pebrero 4-5, tumaas sa 22.17 percent (%) si Yorme Isko mula sa 6.75 % na sa survey rin ng Tangere noong Enero 18.

Sumirit pataas ng 16.29% si Isko o katumbas ng six-point increase sa loob ng isang buwan.

Sa ganoon ding panahon, nairekord ang pagbagsak ni Marcos Jr. sa Tangere survey: mula sa 60% noong Enero 3, ito ay nalaglag sa 58% noong Enero 18, bumagsak pa sa 54% o katumbas ng six-point decrease noong Peb. 4-5 survey.

Sa Soho presidential interviews, matingkad na 65% ang natamo ni Yorme Isko kumpara sa 20% ni Vice President Leni Robredo.

Nangibabaw rin si Isko sa Kapisanan ng Brodkaster sa Pilipinas (KBP) Forum sa nakuhang 54% na sobrang malayo sa 24% ni Robredo.

Hindi humarap si Marcos Jr. sa Soho at KBP Forum at matapang lang na humarap nang siya lamang sa interview ni talk-show host Boy Abunda noong Enero.

Sa one-on-one interview, umangat si Marcos Jr. sa mga kalaban sa nakuhang 43% pero dikit na dikit si Isko sa nakuhang 39 percent.

Sa KBP event, lumabas na 32% ng Pilipino ang “disappointed” sa di-pagsipot ni Marcos Jr., at 18% ang “worried” at 15% naman ang “surprised.”

Malinaw, sa paniwala ng maraming netizen, ayaw ng Pilipino ng ‘takbuhing si Marcos’ at mas kakampihan nila ang ‘matapang at palabang si Yorme Isko.’