Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING controversial noong 2018 ang tweet ni Barbie Imperial na ipinakita niya ang kanyang mga galos sa braso at dibdib.
May nakaiintriga rin itong caption na :
“No to physical abuse. NEVER AGAIN.”
Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na binugbog siya ng nobyo niya noong si Paul Salas kahit pa deleted na ang nasabing post.
Never namang nagsalita noon sa isyu ni Paul dahil pinili nitong manahimik.
Once and for all, sa guesting ng Kapuso actor sa vlog ni Ogie Diaz, nilinaw niya ang tungkol sa naturang kontrobersya.
Aniya, never daw niyang sinaktan o binugbog ang ex dahil minahal daw naman niya ito.
Aminado naman siyang nag-aaway sila noon pero hindi raw naman sila umabot sa puntong nagkapisikalan.
Hirit pa niya, nagkahiwalay daw sila ni Barbie dahil na-realize nila na hindi sila meant for each other.
Sa nabanggit na vlog din, inamin ni Paul na dati’y nasaktan siya sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang na may kanya-kanya nang partner.
Dumating nga raw siya sa puntong madalas siyang magwalwal.
Pero ngayon daw ay tanggap na niya ang lahat.
Katunayan, siya pa raw noon ang gumawa ng paraan upang magkasundo ang mga ito kahit may iba nang kaulayaw.
Ngayon daw, nakaka-bonding na niya ang mga magulang at kanilang mga pamilya na hindi na siya naaasiwa.
Aniya, gusto rin daw niyang tulungan at suportahan ang kanyang half-brother.