Advertisers

Advertisers

DENR Sec. Cimatu nagbitiw sa pwesto

0 428

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang na nag-resign na sa kanyang puwesto si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

Sinasabing ang isyu raw sa kanyang “health reasons” ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Hindi naman idinetalye pa ang ukol sa kanyang kalusugan.



Inabot din ng limang taon sa panunungkulan si Cimatu bilang kalihim ng DENR.

Samantala naglabas na rin ng kalatas ang Office of the President na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtatalaga kay Undersecretary Jim Sampul na bilang officer-in-charge ng DENR.

Matatandaang habang nasa puwesto si Cimatu ay marami itong hinarap na mga kontrobersiyal na usapin katulad sa mining, paglilinis sa Boracay at ang pagpapatayo ng Manila Baywalk Dolomite Beach.

Una nang itinalaga si Cimatu sa DENR para palitan ang yumaong dating kalihim na si Gina Lopez, na hindi pumasa sa Commission on Appointments.

Nagsilbi rin si Cimatu na AFP chief of staff at naging special envoy to the Middle East noong panahon ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.



Kaugnay nang pag-resign ni Cimatu ay ang paglipat naman ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Unit Concerns Benny Antiporda bilang bagong senior deputy administrator ng National Irrigation Administration (NIA). (Vanz Fernandez)