Advertisers

Advertisers

Mula noon, hanggang ngayon (Ang buong katotohanan sa likod ng fake news laban sa mag-asawang Engr. Ronnel at Congw. Helen Tan)

0 348

Advertisers

MARAMI sa mga taga-Quezon province ang nakakikilala sa mag-asawang sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Director Engr. Ronnel Tan at Quezon 4th District Congresswoman Dr. Angelina “Helen” Tan ang magpapatotoong ito talaga ang tunay at magandang ugali nila mula pa noon hanggang ngayon.

Kaya naman mahal na mahal ng mga taga-Quezon itong mag-asawa dahil hindi sila nagbabago ng ugali kahit may hinahawakang posisyon sa ating gobyerno.

Kamakailan, nagdiwang ng kaarawan si RD Engr. Tan at ipinost ng mag-asawa ang mga kuhang larawan sa kanilang social media accounts. Kitang-kita doon ang payak na payak lamang ang pagdiriwang.



Hindi katulad ng mga mararangyang pamilya sa Quezon, nagsimula sa simpleng pamumuhay ang mag-asawa Ronnel at Helen. Sa kanilang taglay na kasipagan at pagtitiyaga sa kanilang propesyon, naka-ahon sila sa kahirapan. Kaya naman patuloy na inspirasyon ng mga taga Quezon ang success at love story ng mag-asawang Tan.

O, baka naman sabihin ng iba dyan pakitang tao lamang ito? ‘Wag nyo na pong ilihis ang storya dahil walang maniniwala pa sa inyo!

NUMER ONE – Sa kasalukuyan, nangunguna sa mga local surveys si Congresswoman Tan bilang opisyal na kandidato sa pagka gobernadora ng lalawigan. Walang kyeme, walang fake o anumang pagpapanggap ang mag-asawa, at syempre, Serbisyong Tunay at Natural.

Kaya kayo dyan, ‘wag nyong uulitin pa ang kathang-isip o fake news na naging akusasyon ni Lopez Municipal Councilor Arkie Yulde na nagpa-agaw ng P3 milyong-piso si RD Tan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang taon dahil wala ng maniniwala pa sa fake news nyo!

Nakupo, e paano mo naman paniniwalaan pa ang mga pahayag nitong si Yulde e akusado sya ngayon ng kasong panggagahasa sa isang dalagita sa Pangasinan? Maniniwala ka ba sa salita ng isang taong may criminal mind? Ayun, humihimas siya ngayon ng malamig na rehas na bakal.



Kinumpirma ito ng mga Officers of the Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling Inc., sa pangunguna ni Prof. Salvador Singson-de Guzman na si Yulde ay nahaharap sa criminal cases of kidnapping and serious illegal detention with rape and robbery at naisampa na Office of the Ombudsman.

BUKING – Eto nakatatawa. Natuklasan na rin pala ang sabwatan sa pagitan nina incumbent Quezon Governor Danilo Suarez at Yulde bunga na rin mismo sa reklamo ng ina ng nabiktima nitong si Yulde. Pinipilit umano ng kampo ni Suarez na ayusin o aregluhin ang mag-ina ng isang Atty. Juanna Suarez at handang umanong magbigay ng P3 milyon-piso para pumirma ng affidavit of desistance ang mag-inang biktima para mapalaya itong si Yulde.

DISKARTENG PILIPIT – May record na diumano itong si Governor Suarez na ipakita ang kanyang kapangyarihan upang gamitin o hawakan sa kanyang mga kamay ang batas para mapatahimik nito ang kanyang mga kalaban sa politika. Kaya naman marami sa mga taga-Quezon ang hindi na nagtataka nang magsampa ng kaso itong si Yulde laban kay RD Tan.

BISTADO! – Lumabas din ang katotohanan na kasabwatan din pala ni Governor Suarez ang isang matalik na kaibigan na dating opisyales ng Malakanyang noon. Nabisto rin na magkaututang-dila umano nitong opisyal si Suarez noong panahon na magkasama sila sa Kongreso. Pasimpleng kumikilos itong si opisyales at patuloy na kumukuha ng mga kaso gamit ang kanyang sariling law firm. Milyong-milyong piso raw diumano ang ibinayad para sa kampanya upang siraan itong si RD Tan.

FAKE NEWS – Lumalabas na gawa-gawa lamang talaga itong akusasyon sapagkat inimbento umano ni Yulde ang laki o halaga ng perang ipinangmudmod sa kaarawan ni RD Tan. Bago pa nagpa-presscon ang abogado ni Yulde kaharap ang national media sa Quezon City, pinagtalunan pa diumano ang ilalagay na amount ng salapi na ginamit daw sa pamumudmod. Ibig sabihin, talagang kathang-isip ng mga kaalyado ng gubernador ang akusasyon.

Hindi naman natinag ang mag-asawang Tan. May kasabihan nga ang mga taga-Quezon: kung bukal ang iyong budhi, walang anumang imbento ang makatitinag sa iyo. Sa kabila ng mga ibinabatong akusasyon mula sa kanilang desperadong kalaban, patuloy na minamahal ng mga taga Quezon ang mag-asawang Tan.

Marami rin sa mga taga Quezon ang nabastusan sa fake news na ito. Sabi nga, may mga matatandang walang pinagka tandaan. Kaya nga, dapat talaga mabago na ang politika dito sa atin sa Quezon.

Serbisyong Tunay At Natural!