Advertisers

Advertisers

6 na underground org mga terorista na

0 351

Advertisers

NAGLABAS muli ang Anti-Terrorism Council (ATC) ng isang resolution na tinatalaga nang ‘terorista’ ang labing-anim (16) pang ‘underground mass organizations’ sa ilalim ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ang mga ito ay 1. Kabataang Makabayan; 2. Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA);

3. Katipunan ng Samahan ng mga Manggagawa (KASAMA); 4. Cordillera People’s Democratic Front (CPDF); 5. Revolutionary Council of Trade Unions; 6. Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA); 7. Christians for National Liberations (CNL); 8. Revolutionary Organization of Lumads; 9. Moro Resistance Liberation Organization; 10. Liga ng Agham para sa Bayan (LAB); 11. Makabayang Samahang Pangkalusugan (MASAPA); 12. Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM); 13. Lupon ng mga Manananggol para sa Bayan (Lumaban); 14. Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS); 15. Makabayang Kawaning Pilipinino (MKP); at 16. COMPATRIOTS.



Bakit ginawa ito ng ATC? Ang malamang na namang tanong ninyo. Matagal na dapat ito, ngunit talaga munang sinaliksik, pinag-aralan at beneripika ng ATC ang kaugnayan ng mga organisasyong ito sa mga komunistang-teroristang samahan ng CPP-NPA-NDF, upang wala nang masabi ang mga kritiko ng pamahalaan partikular sa Administrasyong Duterte.

Kailangang linisin ng ATC ang hanay ng mga militanteng organisasyon upang wala ng mga Filipinong maloloko ng baluktot na idelohiyang itinuturo ng CPP-NPA-NDF.

Sa limang-dekadang panggugulo ng mga komunistang-terorista, di maka-usad ang ating bansa, lalo na ang ating mga kababayan sa ating mga kanayunan. Ang iba pa nga ay nagbuwis pa ng kanilang mga buhay.

Ang sabi nga ng aking kaibigan at katrabahong si Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, taga-pagsalita ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa larangan ng Social Media Affairs at Sectoral Concerns, kung hindi puputulin ang mga sungay ng mga organisasyong ito ng ATC, maaari rin lumaki ang mga ito bilang “above ground organizations” gaya ng KABATAAN, ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS, BAYAN MUNA, ANAKPAWIS, GABRIELA, CEGP, IBON, KARAPATAN, NUPL, NUJP at marami pang iba.

Kapag nangyari ito, marami pang mga kababayan natin ang maloloko na naman at uudyuking makipaglaban at sumamang pataubin ang gobyerno at isailalim ang ating bansa sa komunismo.



Kayo naman ang tatanungin ko. Papayag ba kayong mapasa-ilalim tayo ng komunismong pamamalakad?

Nakahanda ang pitak na ito sa inyong mga kasagutan at opinyon sa isyung ito.