Advertisers
MARAPAT lamang na tiyakin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na walang pulis na malululong sa e-sabong o online sabong.
Mensahe ito ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay PNP Chief Dionardo Carlos.
Ayon kay Dela Rosa na dati ring hepe ng PNP, moral responsibility ng pinuno ng Pambansang Pulisya na siguraduhin na hindi gumagawa ng krimen at masamang bisyo ang bawat pulis.
Diin ni Dela Rosa, hindi na dapat masundan ang ilang pulis na nasangkot umano sa nakawan at pangho-holdap makaraang mamroblema sa pera dulot ng pagkalulong sa e-sabong.
Giit pa ni Dela Rosa, kailangang agapan ito upang hindi maging e-sabong cops ang mga dating ninja cop na maaring matukso sa malaking kita umano mula sa araw araw at 24/7 na operasyon ng e-sabong.
***
Testigo sa dumukot sa mga sabungero, pinalulutang ni DILG Sec Año
Samantala hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga testigo sa naganap na pagdukot at pagkawala ng may 31 sabungero na lumutang na at makipagtulungan sa mga otoridad upang hindi sila madamay at maharap sa kaso.
Ayon kay Año, mas madaling mareresolba ang naturang mga kaso sa lalong madaling panahon, kung makikipagtulungan lamang ang mga testigo sa imbestigasyong isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation.
Una nang sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na naghain na ang PNP ng reklamong obstruction of justice laban sa management personnel ng mga cockfight arenas dahil sa pagkawala ng mga naturang sabungero.
Sa isinagawa namang Senate hearing ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ng ama ng isa sa mga nawawalang sabungero na ang mga guwardiya umano mismo ng Manila cockfight arena ang kumuha sa kanyang anak.
Inimbitahan ang mga security personnel ng cockfight arena sa pagdinig ng Senado ngunit hindi dumalo ang mga ito.
Umapela rin ang opisyal sa publiko at kung sinuman ang mayroong nalalamang impormasyon hinggil sa isyu na lumutang na at tumulong sa mga otoridad sa pagresolba ng kaso upang hindi sila madamay.
**
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.