Advertisers
NANINDIGAN ang lokal na mga kandidato ng UniTeam sa Maynila na solid at buo pa rin ang kanilang suporta sa tambalan nina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos o BBM at kay Vice Presidential Bet Sara Duterte sa gitna ng mga lumalabas na isyu na umano’y paglipat ng katambal ng presidential daughter.
Ayon kay Manila Mayoralty candidate Alex Lopez, namataan ng kanilang grupo ang ilang mga posters kung saan ang itininatambal kay VP aspirant Sara ay si Manila Mayor Isko Moreno.
“May posters this morning na ang kasama ni VP Sara ay si Mayor Isko, may mga pulitiko na nagpopondo dito pero ayaw nating magbintang. Bigyan natin sila ng benefit of the doubt. Basta kami ay united at nagkakaisa sa aming pambatong BBM-Sara,” ani Lopez.
Nagpasalamat rin siya sa patuloy na suporta ni Duterte at sa pagkampanya nito sa kanilang tambalan sa kabila ng ilang isyu kay BBM.
“We thank her for inspiring and uniting us despite the issues. This dispells any rumor na may disunity sa grupo. Her unwaivering support for BBM and to our senatorial line up is an inspiration to all of us na magtuloy sa laban,” ani Lopez.
Giit pa niya, hindi nila pipigilan ang sinumang kandidato na nasa kanilang grupo kung nanaising lumipat ng kampo at rerespetuhin lamang ang kanilang desisyon.
“We will remain commited to our candidates. For those who may want to cross party lines, we respect their decision dahil free country tayo. Magpapasalamat pa rin kami dahil susuportahan pa rin nila ang ating VP Sara,” dagdag pa niya.
Nagpahayag rin ng kahandaan ang anak ni dating alkalde Mel Lopez sa darating na pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato at iginiit na babayaran ang utang ng lungsod at hindi ipapasa sa Manilenyo.
“We will not resort to raising the real estate taxes at iba pang buwis na binabayaran ng mamamayan. Wag naman po dahil mabigat na ang kanilang hinaharap. Marami po tayong magagawa upang mabayaran ang inutang ng mga nakaraang administrasyon,” wika ni Lopez.
Magugunitang dumating na sa Maynila ang agila ng Davao City na si Mayor Sara Duterte na patuloy na isinisigaw ang BBM sa tuwing magsasagawa ng motorcade sa iba’t ibang panig ng bansa.