Advertisers
ARESTADO ang isang mayoral candidate sa bayan ng Lagonglong matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest Martes sa Misamis oriental.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Henry Damasing ng Regional Trial Court Branch 24, nadakip si Danilo Gadrinab, 51, civil engineer at residente sa nasabing bayan.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group-Misamis Oriental chief Maj. Gerson Soliven,nag-ugat ang kaso ni Gadrinab makaraan ireklamo ng isang negosyante na nagsusuplay ng mga materyales sa isang construction projects nito.
Depensa naman ni Gadrinab hindi siya binayaran ng kanyang kliyente sa kontrata nito kaya hindi pa niya nababayaran ang mga materyales.
Nakapiit ngayon sa CIDG Misamis Oriental custodial facility si Gardinab at pinagbabayad ng P72,000.00 ng korte bilang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.