Advertisers

Advertisers

Convoy ng Maguindanao gov. pinasabugan: 1 sugatan

0 222

Advertisers

Sugatan ang tauhan ng isang kandidato ng provincial board member nang tamaan ng pagsabog ang sasakyan na naka-convoy kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, nitong Lunes.

Kinilala ang sugatan na si Abdulraof Usman, 32, at re-sidente sa Datu Hoffer ng nasabing bayan.
Batay sa report ng Upi-PNP, Lunes ng hapon naganap ang insidente sa Barangay Upper Nangi, ng nabanggit na ba-yan.

Lumabas sa imbestigasyon, galing sa kampanya ang grupo ni Mangudadatu sa South Upi kasaman si board member bet Datu Nathaniel Midtimbang at pauwi na ang mga sa kanilang tahanan.



Pagsapit sa naturang lugar paglapas ng sasakyan ni Mangudadatu bigla na lamang sumabog ang bomba may 200 metro ang layo mula sa kanilang sasakyan.

Sa lakas ng pagsabog inabot ang sasakyan na naka-convoy sakay si Usman na nagresulta ng pagkasugat nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung may kinalaman sa eleksyon ang pagsabog o tinamaan ang itinanim na bomba ng mga teroristang grupo.