Advertisers

Advertisers

Official ballots para sa May 9 elections sinimulan nang ibiyahe

0 253

Advertisers

NAGSIMULA na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbiyahe sa mga official ballots na gagamitin sa May 9 national at local elections noong Martes ng gabi.

Sa advisory, sinabi ng poll body na ang delivery ng mahigit 60 million ballots ay ide-deploy na ang mga balota mula sa kanilang Comelec warehouse na matatagpuan sa Legaspi Street sa Maybunga, Pasig City.

Maliban sa mga balota, ibibiyahe na rin ang mga election supplies.



Ang mga official ballots at supplies para sa May elections ay ihahatid sa city o municipal treasurer’s offices nationwide.

Magugunita na nasa kabuuang 67,442,616 na balota ang naimprenta sa National Printing Office (NPO) para sa halalan sa susunod na buwan.

Kung maalala, noong nakaraang buwan ay sinimulan na rin ng Comelec na ibiyahe ang mga vote-counting machines (VM), consolidated canvassing system (CCS), laptops at peripherals maging ang mga transmission devices mula sa Comelec warehouse sa Santa Rosa, Laguna.

Ang iba pang election-related equipment, peripherals, forms at supplies ay dadalhin naman sa mga regional hubs nation- wide.

Ang unang idineploy ay ang mga VM external batteries, non-accountable forms at supplies na ibiniyahe na noong buwan ng Pebrero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">