Advertisers

Advertisers

Sen. Poe may apela sa mga water concessionaire

0 145

Advertisers

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang mga water concessionaire at mga ahensiya ng gobyerno na doblehin ang kanilang pagsisikap na maibsan ang epekto ng tagtuyot sa suplay ng tubig sa bansa.

“Kailangan ng pagtutulungan ng lahat para matugunan ang pangangailangan sa tubig ng ating mga konsyumer lalo na’t nasa gitna tayo ng posibilidad ng panibagong virus surge. Walang puwang ang pagiging kampante,” pagdidiin ni Poe, chairperson ng Senate public services committee.

Ginawa ng senadora ang pahayag sa gitna ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na nagbabanta sa suplay ng tubig sa National Capital Region at katabing mga lalawigan, batay na rin sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.



Matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan, ang dam ay pinanggagalingan ng mahigit 90 porsiyento ng water requirement sa Metro Manila. Ito rin ang pangunahing inaasahan para sa irigasyon ng mga lupang sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Sa Resolution No. 2022-02-CA, nauna nang pinatawan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ng multang P63,973,362 ang Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) at inatasang magbigay ng rebate sa mga naapektuhang konsyumer sa west zone dahil sa mga naranasang water service interruption mula Disyembre 2021 hanggang Pebrero 2022.

Samantala, inanunsiyo ng Maynilad nitong Miyerkules na magpapatupad sila ng bagong rotational water service interruptions para sa maayos na distribusyon ng limitadong suplay ng tubig kada araw. (Mylene Alfonso)