Advertisers
INAASAHAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang mas mataas na turnout para sa overseas voting ngayong Eleksyon 2022.
Pahayag ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, sa unang araw pa lang kasi ng overseas voting ay dumagsa na ang mga nais bumoto kung kaya’t inaasahan ng komisyon na mas mataas ang turnout ngayon taon kumpara noong 2016 at 2019 elections.
Sinabi pa ni Casquejo, na halos 1.7 milyong Pilipino na naninirahan sa ibang bansa ang rehistrado para sa halalan kung saan lagpas ito sa kanilang target na higit 30 percent.
Matatandaang sinimulan ang overseas voting noong Abril 10 at matatapos ito sa Mayo 9.
Samantala, umaasa pa rin ang COMELEC na mas dadami pa ang bilang ng mga boboto sa overseas voting para sa Eleksyon 2022.