Advertisers
MALIBAN sa maraming artista gaya nina Vic Sotto, Allan K, Joey de Leon, Jose Manalo, at iba pa, na suportado sina Sen. Ping Lacson at Sen. Tito Sotto, balitang sumasama rin sa mga kampanya ang aktor na kapatid ni Zoren Legaspi na si Kier.
Pinagmamalaking ipost ni Kier sa kanyang Instagram ang mga larawan ng pagsama niya sa mga idinadaos na rally nina Ping-Tito.
“Suportado ko ang mga totoo,”sey ni Kier.
Bukod dito, makiitang pinopost din niya ang mga madalas makasama sa rally na sina Ciara Sotto at Iwa Moto.
“So proud to support the two most qualified candidates for this coming election. #5Lacson #9Sotto #votewisely,” ‘ika pa ng gwapong aktor. (BKC)